Abante Tonite Interactive

Sarah, Angel, Montes inisnab ang ABS-CBN Ball

918

ni Ronaline Avecilla

Trending muli ang taunang ABS-CBN Ball. Pero, hindi lahat ng iniidolo nilang Kapamilya stars ay dumalo at rumampa sa red carpet. May mga nagsabi pa nga na hindi ganoon ka-prestihiyoso ang ball dahil hindi kumpleto ang mga sikat na bituin ng Dos.

Kabilang na rito ang celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Inaabangan pa naman ang outfit ni Jessy lalo na at hindi rin ito nagpapakabog. Hindi nakadalo ang mag-dyowa dahil kaarawan ng ama ni Luis na si Edu Manzano.

Bukod kina Jessy at Luis, no show rin ang magkasintahan na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Bago ang nasabing ball, lumipad ang mag-dyowa patungong Bali, Indonesia para ipagdiwang ang kanilang anniversary.

May espekulasyon pa nga na kumakalat na baka rito na umano magpo-propose si Matteo.

Samantala, kinagiliwan naman ng mga netizen ang dahilan nang hindi pagdalo ni Angel Locsin sa ball. Ninais na lamang ng aktres na direktang mag-donate sa beneficiary ng Ball na Bantay Bata 163. Batid niya ang effort at perang ibubuhos sa pagdalo sa ball, kaya mas pinili na lamang niyang i-donate ang dapat sana at gagastusin niya rito.

Samantala, ito na ang ikalawang taon na hindi sumipot si Julia Montes sa ball. Wala naman ibang dahilan sa kanyang pag-isnab dahil last year ay family event umano ang mas pinili niya.