Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Angelica inaabangan sa Kapuso

0 171

NI: ALWIN IGNACIO
Magiging Kapuso na rin ba si Sarah Geronimo-Guidicelli ngayong ang “Tala The Film Concert” niya ay sa GMA 7 mapapanood? Hudyat na nga ba ito na pa-Timog network na ang isa sa pinaka-malaking bituin ng Viva at ABS-CBN?

Sa mga hindi na nakakatanda, matapos mapagtagumpayan ni Geronimo ang singing contest na naglunsad sa kanyang karera, mga isang taon rin itong naging one of those singers sa isang Sunday noontime variety show. Alam na nating lahat kung ano nangyari sa kanyang karera at estrella nu’ng siya ay maging Kapamilya.

May kontratra pa ba si Mrs. Guidicelli sa ABS-CBN? Lahat ba ng mga existing kontrata ng artists sa Dos eh considered null and void ngayong hindi renewed ang kanilang prangkisa?

Kung magiging Kapuso nga si Sarah dahil sa pangyayaring ito, hindi puwedeng ikaila na win na win ang sitwasyon. Wala naman sigurong mambabatikos at kukudang tila nagugutuman ito sa pera at sa shows.

SM food to go Banner Ad

Si Angelica Panganiban, may chikang diumano, balak sundan ang kanyang BFF Bea Alonzo sa GMA 7. True nga kaya ito o fake news?

Ang isa pang BFF ni Panganiban na Kapuso forever ay ang aktres na si Glaiza De Castro? Bet na rin kaya ni tabachingching princess na makipag-volt in with her two BFFs at i-unleash ang triple power activate nila?

Ayaw na ni Panganiban na gumanap sa isang teledrama? Kung sitcom na kasi with Glaiza at Bea, o kaya ay isang morning baliktakan talk show, mae-enganyo kaya siyang maging taga-Timog? Paano kung mala-“Charlie’s Angels” o kaya “Charmed” pelikula, mas madali kaya ang pag-oo nito?

Ang saya-saya naman kung magiging Kapuso si Angelica Panganiban. Kung totoo nga ang kutubang ito, meron rin kayang mga director at mga taga-produksyon na hindi mapipigil talakan si Panganiban?

Leave A Reply

Your email address will not be published.