Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Anne kinasasabikan

0 219

NI: ALWIN IGNACIO

Sa dinami-dami ng mga ipapalabas sa online platform na VIVAMAX at sa mga coming soon nilang pelikula na ipinahayag sa Summer To The Max Campaign Press Conference ng VIVA, ang pelikulang paparating nina nag-iisang Diyosa Anne Curtis-Heussaff at Pop Star Queen Sarah Geronimo-Guidicelli ang totoong nagpa-excite sa lahat.

Para sa diva that you love, maliban sa pelikula nina Mrs. Erwan Heussaff at Mrs. Gianmatteo Vittorrio Guidicelli, ang first time pairings ng mga piling-piling artista ang tunay na kaabang-abang.

Andiyan ang “Ultimate Oppa” kung saan ang aktres at direktor Bela Padilla ay katambal ang isang Korean actor na si Kim Gun-Woo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung may sexual chemistry, tension at nakakalig ba ang togetherness nina Diego Loyzaga at Sue Ramirez sa “How To Love Mr. Heartless” ay ating malalaman sa tamang panahon.

Kung mahahawa ba si Julia Barretto sa husay at galing ni Carlo Aquino pag dating sa pag-arte ay ating mapapagtanto sa tila sexy themed “Expensive Candy.”

Everything that has JM de Guzman in it, ay tunay na love, love, love kaya ang first time pairing nila ni Cindy Miranda sa “Adik Sa ‘Yo malalaman nating lahat kung dapat bang huwag magpahara-hara si Miranda sa kung saan-saan dahil baka mapoot at masuklam sa kanya ang team gurlis.

At mismong si Boss Vincent ang nagsabi, ang pagsasama nina Ryza Cenon at Xian Lim sa pelikulang “Sa Muli” nasa isang costume romance drama, ay “Dapat sa sinehan siya ipalabas eh. Pang big screen talaga ang movie nina Xian at Ryza.”

Ay! Talaga nga namang mas naging tunay na kaabang-abang ang mga mapapanood sa VIVAMAX at sa mga sine dahil sa VIVA Films, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.