Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah atat nang buntisin ni Matteo

0 260

MILDRED A. BACUD: Last July 25 ay nag-celebrate ng kanyang 33rd birthday si Sarah Geronimo. Sa isang video sa Instagram ng birthday nito ay maririnig ang asawang si Matteo Guidicelli na nagsasabing sana raw ang maging birthday wish ng kanyang asawa ay ang magkaroon na ng anak.

Pagkatapos kantahan si Sarah ng “Happy Birthday” song at sabihang mag-wish muna bago hipan ang birthday candles ay agad nag-dialogue si Matteo ng, “Babies! Babies, ha? Happy birthday!”

33 years old na rin ang Royal Pop Princess. Sa isang babae eh medyo risky na ito kapag nagbuntis. Hindi na nga dapat maghintay pa ng matagal itong si Sarah lalo’t nagpaparamdam na ang asawa niya na gusto na nitong maging daddy.

Malay mo mga ka- Cuatros kapag nagkaroon na ng anak sila Sarah at Matteo ay makakabati na rin nila sa wakas si Mommy Divine. Iba ang magagawa ng pagkakaroon ng apo. Marami tayong alam na ganyang kuwento na hindi tanggap ng magulang ang asawa ng anak pero nag-iba nang magkaroon ng apo.

ROMMEL PLACENTE: Isang taon at limang buwan na palang kasal sina Matteo at Sarah pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak .

Gustong-gusto na nga ng aktor na magka-baby. Tinutukso-tukso na niya ang singer-actress.

Parang sinasabi niya na ang maging birthday wish ni Sarah ay magkaroon na sila ng supling.

Atat na talaga si Matteo na magkaanak mga ka-Cuatros, di ba? Gusto na talaga niyang buntisin ang Popstar Royalty.It”s about time na rin naman na magka-anak sila dahil nga mahigit isang taon na rin silang kasal.

RODEL FERNANDO: Ngayong wala naman sila na masyadong ginagawa dahil sa pandemic ay dapat talaga na magka-anak na sila. Sabi nga, dapat dalas-dalasan nilang gawin ang isang bagay para makabuo na. Hindi lang sila ang naiinip dahil maging ang kanilang mga fan ay ramdam nila ang pananabik.

Of course, ready na si Matteo na maging daddy. Sana nga sa nalalapit na panahon ay matupad ang wini-wish niya At kung darating man ito ay sigurado na pagsilang ng bata ay instant celebrity agad ito lalo na sa paglaki niya. For sure, puputaktihin siya ng product endorsement gaya ng kanyang magulang.

ROLDAN CASTRO: Nakakabilib kung nagco-control ang mag-asawa dahil hanggang ngayon ay ‘di pa dumarating ang kanilang munting anghel.

May kontrata pa kaya si Sarah sa kanyang mga endorsement na bawal pa magbuntis?

Posibleng ‘yun na lang ang pumipigil dahil kayang-kaya naman nilang buhayin ang magiging anak nila.

Establisado naman ang kanilang mga career at matibay ang kanilang pagsasama.

Baby na lang talaga ang kulang sa AshMatt!

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.