Sarah ayaw patulan ng ermat

NI: ROLDAN CASTRO
Mukhang hindi apektado ang ermat nina Pia at Sarah Wurtzbach sa pasabog ng kanyang anak. Tila ayaw niyang patulan ang pang-aaway ni Sarah kay Pia at dinamay pa siya.
Nag-post si Cheryl Tyndall sa Instagram na palaging maging positive lang.

“Let’s be positive during Pandemic,” sambit niya habang nag-post siya ng chicharong hipon na puwedeng pagkakitaan.
Nag-invite din siya sa Facebook na panoorin ang bago niyang vlog . Sey rin niya “Be positive lang! Salamat po.”
Samantala, may deklarasyon din ang Business Manager ni Pia na si Rikka Fernandez na lumabas sa Push.
“This is a family matter so we respect their privacy. We pray for a peaceful reconciliation and healing for all concerned. Thank you!”