Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah boga bet kalikutin

0 201

NI: Vinia Vivar

Astig na sexy ang drama this year ni Sarah Lahbati dahil nag-aaral siya ngayong bumaril with husband, Richard Gutierrez.

Ibinahagi ni Sarah ang larawan nila ni Richard na nasa shooting range complete with gears.

“Grateful to have you by my side as we both grow and learn this new sport this year. 🤍 @richardgutz,” ang caption ni Sarah.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bale ba ay bagay na bagay sa aktres ang kanyang porma at ang astig astig niya tingnan habang hawak niya ang baril.

Puri nga ng isang netizen, “Wooowww!!! @sarahlahbati the both of you are cool in shooting your guns towards the target and your beauteous and nice-looking @sarahlahbati❣”

May fan naman na nag-comment na para raw sina Angelina Jolie and Brad Pitt sina Richard and Sarah at request niya’y magkasama sa isang action film ang mag-asawa.

Samantala, nami-miss na rin ng kanyang fans si Sarah dahil medyo matagal-tagal na nilang hindi napapanood ang aktres. Wish nilang makitang mag-perform ulit ito ng hot dance number sa ASAP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.