Abante Tonite Interactive

Sarah-Daniel aprub kay Kathryn

379

Todo ang pagsuporta ni Daniel Padilla sa kasintahan na si Kathryn Bernardo. Kaya ganu’n na lamang ibinabahagi ni Kathryn kay Daniel ang tagumpay na nakamit niya sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”.

Malaki ang pasasalamat niya sa suportang ibinigay ni Daniel. Kung hindi dahil sa boyfriend ay hindi niya magagampanan ang malaking papel niya sa pelikula. Siyempre, bilang respeto sa kanilang relasyon ay kinailangan munang maging mutual ang desisyon nila sa pagpapares sa kanya sa ibang artista.

Ito ang kauna-unahang beses na itinambal si Kathryn sa ibang leading man kaya’t hindi rin malabo na maipares si Daniel sa ibang female celebrity.

Ayon naman kay Kathryn, may isang female celebrity ang nais niya na makatrabaho ni Daniel.

Isiniwalat ng aktres sa event ng “Sine Sandaan” nitong Huwebes, September 12, na nais niyang makasama ni Daniel sa iisang proyekto ang aktres na si Sarah Geronimo.

Bukas naman si Daniel sa kahit na sinong aktres na posible niyang makatambal.

Pero, ang pinakahihintay ng lahat ay ang muling pagtatambal ng KathNiel sa iisang pelikula.

Ayon kay Kathryn, malapit na umano itong mangyari. Sa ngayon ay sinusulit muna nila ang kaunting break na ibinigay sa kanila. (Ronaline Avecilla)