Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah di kawalan ang maging Kapuso

0 397

Kawalan ba para kay Sarah Geronimo-Guidicelli ang maging Kapuso? Hindi. Patuloy ang kanyang pamamayagpag sa Kapamilya Online Network at dapat lang na doon siya. She rightfully belongs there dahil tunay siyang singing superstar. Hindi flash in the pan. Mas lalong hindi one season wonder. At definitely in na in pa rin at hindi pa out ang karera.

Kaya kahit pa may pahayag ang kung sino man ehekutibo sa Kamuning based network na walang lipatang mangyayari, hindi pwedeng ikaila na sila ang mas higit na may kailangan kay Signiorina Guidicelli.

Si Geronimo, grabehan ang estrella powers. She has a battalion of fans that adore, follow, love and support all her undertakings. Kanta, konsiyerto, pelikula, television show at produktong ini-endorse. Siksik, liglig at umaapaw ang return of investments sa mga taong namuhunan at sumugal sa kanya. Ang panalo pa kay Sarah, ang imahe ay “wholesome” at mapapagkatiwalaan. Tapat at loyal. At kahit pa nga may mangilan-ngilan na sumimangot dahil tila tinabla niya ang kanyang mamang Divine nang dahil sa pagmamahal niya kay Matteo. Pero, nasa tamang edad na siya nu’ng mag-asawa at hindi na nga niya kailangan ang parental blessing and consent to be with the man she truly loves.

And we loved her even more dahil nga pinaglaban niya ang pag-iibigan at relasyon nila ni Signore Guidicelli.

May kahit sino man lang bang mang-aawit sa Kapuso station ang naging kasing sikat ni Geronimo? Wala. Nakailang singing contests na sila, mula sa Pinoy Idol, Pinoy Pop Superstar at the Clash, ang itinanghal na grand winners ng kanilang singing patimpalak, lumapit man lang ba sa kasikatan ni Sarah? May naging gold records man lang ba? May mga kanta bang naging anthems ng masang Pinoy? Alam na alam na natin ang sagot, hindi ba naman?

Kung ang first grand winner nga nila sa Pinoy Pop Superstar, mas nakilala at mas nagkapangalan nu’ng naging Kapamilya. Iyan ang totoo, tumpak ba ang diva that you love. Jona?

Kaya, please don’t make it appear na parang atat na atat si Sarah Guidicelli na maging Kapuso. Magpakatotoo na kasi, na kayo ang atat na atat na makuha si Sarah at kahit na ano pa ang inyong paliwanag . walang maniniwala na you are not desperate to have a major, major star acquisition lalo na nga’t pulos lightweight naman ang stature at estrella ng mga dating taga-Dos na ka-Siyete na sa kasalukuyan.

Bago niyo pangarapin si Signiorina Guidicelli, pasikatin niyo muna sina ‎Golden Cañedo at si Jeremiah Tiangco. The WHO times two sina Golden at Jeremiah? Yun na!

Xander pinagdudahan ang pagladlad

Papatulan ko lang ngayon ang lalaking retokado na si Xander Ford dahil sa paandar niya sa pink community.

Walang naniniwala na sa “drama” niyang siya ay biglang naging bisexual. Does he even know the meaning, emotional and psychological implications of the word? Ang hirap tanggapin na matapos masangkot sa isang altercation with a female ex-lover, biglang nagbago ang sexual preference and orientation in a snap? Tinatakasan niya ba ang kanyang pagkakamali at itinatago ang katotohanan kaya nagpapanggap na nagladlad ng kapa?

Juice colored! Pambabastos sa mga bakla at bisexual ang kanyang ginagawa kung gimik ‘yan, huh! Kaya nga yung mga larawan na diumano, makikita siya at kanyang boyfriend kuno eh naglalaplapan, naway hindi niyo masilayan my dear TONITE readers dahil tiyak, manghihilakbot kayo. You will need to see a psychiatrist talaga.

Man up to your mistakes and transgressions Marou Arizala .Huwag gamiting kalasag ang pagiging “bakla” at takasan ang mga multo mong ikaw mismo ang may likha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.