Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah ‘di tinatago ang datung sa dyowa

0 181

NI: VINIA VIVAR

Para kay Matteo Guidicelli, importante ang trust and transparency sa isang mag-asawa at kasama na rito ang usaping-pera.

Although for some couples ay medyo sensitive topic ang tungkol sa pera, ayon sa aktor ay pwede naman itong unti-unting i-discuss especially sa mga newlyweds.

“You and your partner should have a complete transparency, not hiding anything and be black and white with things. And in my case, I believe in two people synergizing, be as one and becoming better people together,” ani Matteo sa panayam for Sun Life Philippines na kanyang ine-endorso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“So, I really believe in sharing and what is mine is hers, you know. If I go to work today, what I bring home is for my family and for our future,” aniya.

Ang no. 1 priority na raw niya ngayon ay ang kanyang misis na si Sarah Geronimo at siyempre, hindi na ang kanyang mga magulang. Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay babalewalain na niya ang kanyang parents kung sakaling mangailangan ang mga ito.

“Of course, if they (his parents) need something, you know, I’ll always be there. But again, my priority is my wife,” pahayag ng aktor.

Importante rin daw na honest ang isang mag-asawa sa usaping-pera at hindi dapat magtago.

“If you give somebody 1,000 pesos, you must tell your wife, ‘love, you know, I’m giving 1,000 pesos.’ Hindi ‘yung parang she’ll find out, ‘uy, saan ‘yung 1,000 pesos, ba’t nawala?’ So you know, you really have to be transparent, both sides,” sabi pa ng aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.