Abante Tonite Interactive

Sarah G. aminadong hindi magaling sa Ingles, Math

1,730

tonite-imo-vinia-vivar

Kahit pa bumalik si Sarah G. sa edad na 20 tulad ng kanyang role sa ‘Miss Granny’, ang pagiging singer pa rin daw ang career path na pipiliin niya.

“Alam n’yo po, may mga pagkakataon na naiisip ko, ano kaya kung ito ang ginawa ko, ano kaya kung ito ‘yung trabaho ko, ganito-ganyan. Pero hindi, eh. Ito rin talaga, eh.

Abante Hiring – IT dep

“Hindi naman ako magaling sa Math, hindi ako magaling sa Ingles. Hindi ako magaling sa kahit ano. Hindi rin naman ako magaling sa ginagawa ko. Pero ito ‘yung natural sa akin, sa katawan ko, sa isip ko, ito ‘yung natural na ginagawa ko. So, ba’t pa ba ako maghahanap ng iba?” ani Sarah.

Ang Miss Granny ay base sa worldwide South Korean blockbuster film na ipinalabas noong 2014.

Tampok sina Eun Kyung Shim at Moon He Na, nagwagi ang pelikula ng ilang prestigious awards at nagkaroon ng ilan pang matagumpay na adaptations sa China, Japan, Taiwan, Vietnam, Thailand, Indonesia, India, Germany at iba pa.

Ginagawa na rin ang English at Spanish language versions nito sa Hollywood.

Xian nag-alangang kausapin si James

Tahimik” kung ilarawan ni Xian Lim ang co-star niya sa Miss Granny na si James Reid.

“James is really a quiet­ person. Tapos, hindi ko alam kung paano ako lalapit kay James, eh. So, nilapitan ko lang siya, kinulit-kulit ko siya. So ‘yun, I think we hit it off pretty good.”
Naging okay naman daw ang working relationship nila at sobrang saya nila sa set.

“Last day ng shoot, umabot kami sa point na we were watching his brother sa isang pelikula. Tawanan lang kami nang tawanan.

“It was in Tagaytay kasi, magkakasama kami ng mga cast. Kami-kami lang.”

Kuwento pa ni Xian, bago magsimula ang shooting ay kabado nga raw siya na baka makulitan sa kanya ang mga co-stars niya dahil makulit daw siyang tao talaga.

But it turned out na okay daw lahat ang cast at siyempre kabilang dito ang bida na si Sarah Geronimo.

Papuri ni Xian kay Sarah, sobrang down to earth daw ito at hindi niya ipapa-feel sa ‘yo na Superstar siya.

Dream come true para kay Xian ang pelikulang Miss Granny kaya naman sobrang excited na raw siya sa showing nito on August 22 mula sa direksyon ni Joyce Bernal.

Rufa Mae sinagot ng Waze na maging GPS girl

Nag-react ang Waze (GPS navigation software) sa funny ‘audition vi­deo’ ni Rufa Mae Quinto para maging boses na nagtuturo ng direksyon ng mga lugar.

In-upload ni Rufa Mae ang video sa kanyang You Tube channel na may titulong “Rufa Waze Quinto Audition Video” noong Aug. 4.

Sa video ay makikitang nagtuturo siya ng direksyon ng lugar tulad ng Waze app. Tawa kami nang tawa nang mapanood ito at ma­ging ang mga netizens ay nag-comment na aliw na aliw sila sa vid.
Dahil nga nag-viral ang video, nakarating­ din ito sa Waze kaya nag-tweet sila sa sexy comedienne ng kanilang reaksyon.

“Hey @imrufamaequinto, no need to audition. You can make your very own Waze Voice using your Waze app. Just head to Settings> Voice Directions & get recording. Bonus: you can share them with everyone via a link,” ang sagot ng Waze sa application ni Rufa Mae. Hahaha! Winner!