Abante Tonite Interactive

Sarah hina-hunting ni Ben Adams ng A1

0 429

Iba talaga si Sarah Geronimo, huh! May international singing stint query mula kay Ben Adams mula sa boy band na naging sikat noong 90’s, ang A1.

Sa Twitter dinaan ang pagtatanong na: “I’m looking for a well known South East Asian female artist to duet with me on something……any suggestions? #Philippines #Singapore #Indonesia #Thailand #Malaysia.”

Siyempre pa, maaasahan mo na kapag mentioned ang Philippines, maraming bonggang suhestiyon. Ang most suggested kay Adams, si Sarah nga at si Catriona Elise, ang Philippines Fourth Miss Universe.

Ang kaganapan: “Well, quick update, I’ve checked out all of the videos and articles you guys have sent me on @JustSarahG and I think she’s amazing! Have emailed

@VivaArtists so let’s see what they say… thanks everyone! #Philippines.”

Ang last post ni Ben tungkol dito, “Still waiting.” Busy sigurong sobra ang pamunuan ni Sarah kaya hindi nila keri sumagot sa email.

Marami ang nagsasabi na baka kaya hindi pinapansin ng pamunuan ni Sarah ang panawagang ito ay dahil nga la ocean deep na si Ben Adams.