Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah: Hindi nag-iiwanan ang mag-Kapamilya

0 116

Top trending kahapon sa Twitter ang hashtag na #ASAPKapamilyaForever sa live broadcast ng ASAP Natin ‘To . Ito’y pag-alala sa malungkot na araw nang tuluyang mabasura ang pagkakaroon ng bagong prankisa ng ABS-CBN.

Matatandang July 10 nang magkaroon ng desisyon ang mga Kongresista kung bibigyan ng bagong prankisa ang network and unfortunately nga ay hindi ito napagbigyan at mas marami ang bumoto ng “no to franchise.”

Sa live broadcast ng ASAP Natin ‘To kahapon ay nagpasalamat ang mga Kapamilya stars na patuloy pa ring sumusuporta sa mga shows ng ABS-CBN kahit wala na ang Channel 2 sa ere.

“Salamat at hindi ninyo kami iniwan. Damang-dama po namin ang pagmamahal ninyo bilang aming Kapamilya,” sey ni Regine matapos ang kanyang opening number.

Nagpadala rin ng kanyang recorded message si Sarah Geronimo at sey niya, “hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit niyo ring pinapatunayan na ang mag-Kapamilya, hindi nag-iiwanan. Mahal na mahal po namin kayo.”

SM food to go Banner Ad

Nagpasalamat din si Piolo Pascual sa kanyang recorded message.

“Even as we faced a lot of hardships and difficulties last year, your support and trust will always be an inspiration for us to continue to be in the service of the Filipino,” ani Piolo.

Bukod sa mga mainstay ay napanood din sa ASAP kahapon ang mga top Kapamilya artists tulad nina Vice Ganda, Daniel Padilla, Erich Gonzales, Iza Calzado, and the “Magandang Buhay” hosts, among others.

Bukod sa mga nabanggit ay napanood din ang pagbabalik sa ASAP ng loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil.

At syempre, isa pang highlight ng episode ay ang appearance ng British rock band Coldplay, na nag-perform ng kanilang latest single na “Higher Power.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.