Abante Tonite Interactive

Sarah hiniritan ng ‘kambal’ ni Annabelle

By
4,597

May duda pala si Tita Annabelle (Rama) na kambal ang ipinagbubuntis ni Sa­rah Lahbati, pero sa baby shower party na ginanap sa Rockwell, Makati City noong Sunday, “Hindi po, Tita!” ang sagot ng fiancé ni Richard Gutierrez nang tanungin siya ng kanyang future mother-in-law.

“Sayang naman, pero sana kasing-guwapo rin ni Zion ang next baby boy niyo at ang wish ko ay maging healthy ang bata!” sey na lang ni Bisaya.

Samantala, ang sabi sa amin ni Sarah, last week of March or first week of April siya nakatakdang ma­nganak. Wala pa raw talagang exact date na sinasabi ang kanyang OB-Gyne.

Nang kumustahin naman namin ang kanyang pagbubuntis, okey na okey naman daw siya, kaya for sure, very healthy ang baby na dinadala niya sa kanyang sinapupunan.

Baby boy ang ipinagbubuntis ni Sarah, pero ang ganda-ganda niyang tingnan, kaya for sure, kasing-guwapo rin ni Zion ang se­cond baby boy nila ni Richard.

Natuwa nga pala si Sarah na karamihan sa kanyang mga kaibigan ay dumating sa baby shower party nila.

“Masaya rin kasi complete kami, kasama namin sina Tito Eddie (Gutierrez) at Tita Annabelle pati ibang fa­mily at nandito rin ang Dad (Abdel Lahbati) at Mommy (Esther Lahbati) ko. Paalis na rin kasi Dad ko on Wednesday,” sey ni Sarah.

Dumating ang best friend ni Sarah na si Bela Padilla na nagsabing natutuwa siya sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng lovey-dovey ni Richard dahil nang malaman ni Sarah na buntis ito sa se­cond baby ay nalaman kaagad ‘yon ni Bela.

“Actually, even ‘yung kay Zion, sinabi rin kaagad sa akin ni Sarah,” sey ni Bela.

Bela iniwasan makita  ang lambingan nina Angel-Neil Masakit pa ba?

NAKAALIS na si Bela Padilla nang dumating ang ex-boyfriend niyang si Neil Arce kasama ang new girlfriend nito na si Angel Locsin. Malapit sina Neil at Angel kina Ri­chard at Sarah, kaya hindi puwedeng hindi sila dumating sa nasabing baby shower party, pero may ibang dinaanan pa raw, kaya medyo na-late sila.

Ang alam naman namin, kahit mag-ex na sina Bela at Neil, wala namang problema sa pagitan nila, kaya wala naman sigu­rong masama kung magkita man sila roon.

Marami nga pala ang nakapansin na sobrang sweet sina Angel at Neil at hindi na talaga nila inililihim pa ang kanilang relasyon.

Actually, may ilang mga kaibigan sina Angel at Neil ang nagsa­sabing ang hula nila ay mauuwi na sa kasalan ang relasyon ng dalawa.