Abante Tonite Interactive

Sarah inurirat si Regine sa pag-aasawa

274
tonite-imo-vinia-vivar
Ibinuking ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na napag-uusapan na nila ni Sarah Geronimo ang tungkol sa kasal. This is big news lalo na sa mga fan ni Popstar Royalty dahil never pang nagsalita ang kanilang idolo tungkol dito sa kahit saang interview.
Sa tweet ng ABS-CBN entertainment corres­pondent na si MJ Felipe na naka-interview kay Regine, ang dami raw tanong ni Sarah G. sa kanya about getting married.
 “Regine on wedding talks with Sarah: ‘We talk about it, I tell her siyempre nagbibigay na ko ng based sa naexperience ko as a wife kasi she is at the right age naman na, marrying age na siya. Ang dami niyang tinatanong sa kin about getting married, being in a relationship,’” ang tweet ni MJ.

 

Dagdag pang tweet ng Kapamilya reporter, “Regine also said that she believes Sarah Geronimo is not yet engaged to Matteo Guidicelli – ‘Hindi ko alam, wala naman sinasabi. If that were true, i would have known. She’d tell me. She’d ask me first. Kasi ganun yun eh.’”

 

Ang nakakatuwa, mas concerned ang netizens sa magiging reaksyon ng ina ni Sarah na si Mommy Divine sa balitang ito. Panay ang tanong nila kung ano raw kaya ang masasabi nito at tina-tag pa nila ang mommy ni Popstar.

 

Well, siguro naman ay papayag naman si Mommy Divine if ever na magdesisyon na ngang pakasal ni Sarah since 30 years old na nga naman ang anak niya at marrying age na naman talaga.

 

At kung ganyang nagtatanong-tanong na pala si Sarah about marriage, baka nga malapit-lapit na itong maganap.
Well, sa nakikita namin, ready na naman sila ni ­Matteo pareho to settle down at kitang-kita rin ­naman na masaya sila pareho sa piling ng isa’t isa.

Dennis  type rumaket kay Jennylyn bago pakasal

Sa set visit ng press sa taping ng “Cain at Abel” ay muling natanong si Dennis Trillo kung kailan nga ba sila pakakasal ni Jennylyn Mercado. Ayon sa aktor ay wala pa naman daw at lahat naman daw ay kailangang pagplanuhan.

 

Wala pa rin daw proposal at syempre, hindi naman niya idi-divulge kung kailan niya balak mag-propose.
Pero gusto raw niya, bago sila ikasal ni Jen ay makagawa pa sila ng pro­ject together ni Jen. Huli pa nga naman kasi silang nagkasama sa teleseryeng “My Faithful Husband” noong 2015. Lalo namang ang tagal na nilang hindi nagkakasama sa movie dahil “Rosario” pa noong 2010 ang huling pagsasama nila sa big screen.

 

Samantala, new look din si Dennis nang humarap sa press dahil may transformation ang role niya sa “Cain at Abel.” Big time na siya sa serye kaya kailangang mas maporma na siya.

 

Happy ang aktor na makasama si Dingdong Dantes at iba pang cast. May mga rebelasyon na mapapanood sa mga susunod na episodes pero sey ni Dennis, ang gusto niya ay magka­ayos ang karakter nila ni Dong na Daniel at Elias.

 

Pagkatapos ng “Cain at Abel” ay sa pelikula muna magpo-focus si Dennis. Malapit na ang showing ng surfing movie na “Mina-Anud” kasama sina ­Matteo Guidicelli and Jerald ­Napoles.
May ginagawa rin siyang isang movie pa, ang “On The Job (OTJ) 2” ni direk Erik Matti.