Abante Tonite Interactive

Sarah-James ‘di iniwan sa ere ni Xian

580

tonite-imo-vinia-vivar

Binigyang-linaw ni Xian Lim ang tsikang hindi siya pwedeng mag-promote ng pelikulang Miss Granny sa mga programa ng ABS-CBN. Nagsimula ang ganitong espekulasyon nang mapansin ng mga fans na wala ang aktor sa promo ng It’s Showtime last Wednesday at tanging ang mga co-star lang niya na sina Sarah Geronimo at James Reid ang naroroon.

That day ay may taping din daw ng Gandang Gabi Vice to be aired on Sunday naman at sina Sarah and James lang din ang mga guest.

Sumagot na rin sa Twitter si Xian sa tanong ng mga fan kung bakit wala siya sa promo tour at tweet niya, “I also have the same question…good vibes na lang po palagi.”

Kahapon ay nakausap namin si Xian sa kanyang solo pocket presscon na ginanap sa Viva office sa Tektike Building sa Ortigas at kuwento niya, hindi raw siya talaga aware na may guesting sina Sarah and James sa nasabing mga show.

“The people were wondering. I just got a couple of messages online and I think naman, ‘yung mga supporters siyempre – supporters ko, supporters ni Sarah, supporters ni James, they were asking me kung nasaan daw ako nang time na ‘yun,” kuwento ni Xian.

Tinag daw siya ng mga supporter sa nasabing guesting at ‘yung iba ay nagtatanong nga, while ang iba naman ay parang iniisip na iniwan niya raw ang dalawa sa ere.

“‘Yung iba, they’re wondering, and ‘yung iba, they were – hindi naman mad- they felt na parang iniwan ko raw ‘yung dalawa sa ere. Bakit daw hindi ako nagpo-promote.

“I just wanted to explain kasi in respect to them, they deserve that explanation. Hindi po, hindi ko po sila iniwan sa ere. The truth is, hindi ko po alam na meron kasing. . .yes, I wasn’t aware na may schedule.

“Tapos they’re saying na “we want you to be there.” Sabi ko rin naman, “I want to be there also.”

Hindi na rin siya nagtanong sa Viva kung bakit?

“Hindi rin yata nila alam, eh. I don’t know, they didn’t really give me a specific answer. Siyempre, nagtanong din naman ako. They don’t know, and ako rin I don’t know, I wasn’t made aware,” sey ni Xian.

Pero nasa ASAP naman daw siya last Sunday at may guesting din sa Tonight With Boy Abunda, which means may promo schedule rin naman siya.

So, hindi naman pala siya bawal mag-promote sa mga Kapamilya shows?

“Siguro naman po. I mean, we’re just basing this off sa mga tweets ng mga tao, eh. Ako naman, I just wanted to answer their question,” pahayag ng aktor.

Anyway, next week na ang showing ng Miss Granny kaya naman excited na rin si Xian since ito ang first movie niya under Viva Films at ito rin ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya sina Sarah and James.

Mula sa direksyon ni Joyce Bernal, showing na sa Aug. 22 ang Miss Granny.

***

Pagmamahal, kalinga at pag-asa ang naghihintay sa mas marami pang kabataan sa muling paglulunsad sa Bantay Bata 163 Children’s Village ngayong taon.

Nagsilbi nang tahanan sa mahigit isang libong bata ang Children’s Village na binuksan ng Bantay Bata 163 noong 2003 para matulungang gumaling at makabangon mula sa dinanas na pang-aabuso ang mga batang naisalba nila.

Sa mas pinagandang pasilidad at programa, higit na may kakayahan ang Children’s Village ngayon na magbigay ng lakas at kaalaman sa mga biktima ng child abuse upang sila ay maging matatag na miyembro ng ating komunidad.

“Sa kabutihan ng ating mga donor at katuwang na organisasyon tulad ng local government ng Quezon City, mabibigyan ng ng Bantay Bata 153 ng mas magandang tahanan ang mga batang nakaranas ng pang-aabuso at nangangailangan ng ating pagmamahal, pang-unawa at pangangalaga para makamit nila ang magandang kinabukasan,” sabi ni Jing Castaneda-Velasco, program director ng Bantay Bata 163.

Ayon kay Jing, kayang pangalagaan ng Children’s Village ang hindi baba sa 120 na inabusong bata, sa parehong pisikal at psychological na pamamaraan, sa isang lugar na mararamdaman nila ang pagmamahal ng isang pamilya.
Nakaantabay sa kanila ang mga social worker, health care professional, at house parent sa complex na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan.

Mayroon din silang meditation room, music room, arts and crafts room, library at eskwelahan para sa mga maliliit na bata, samantalang hatid sundo nila ang mas matandang mga bata sa mga kalapit na paaralan.

Tinuturuan din ang mga bata ng iba’t ibang skills upang maging handa silang maging parte uli ng lipunan mula sa pagluluto hanggang pagnenegosyo. Ma­ging ang mga magulang at pamilya nila ay hinahanda rin sa kanilang pagbabalik sa pamamagitan ng values formation.

Sa pagdiriwang ng ika-21 na anibersasyo ng Bantay Bata 163 ngayong taon, patuloy na pinalalakas pa ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga bata lalo na at 80% ng mga kabataang Pilipino ang nakararanas ng pang-aabuso sa salita, sekswal o online sa kanilang buhay ayon sa isang pag-aaral sa UNICEF.

Layunin ng Bantay Bata 163 na makahanap din ng mga paraan upang malabanan at maiwasang mangyari ang mga pang-aabuso, habang nangunguna sa pangangalaga ng karapatan at kalagayan ng mga bata sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng Children’s Village.