Abante Tonite Interactive

Sarah, John Lloyd ang peg sa kapaguran

By
1,939

Sukdulan ang umatake kay Sarah Geronimo. Sukdulang pagod. Sukdulang pressure. Sukdulang stress. Natural lang na nagaganap ang ganu’ng pagkaburyong kapag puro trabaho ang mula umaga hanggang gabing ginagawa ng kahit sino.

Kahit sinong personalidad ay nakakaramdam ng ganu’n. Mahal nila ang kanilang propesyon pero para na silang makinang kayod na lang nang kayod sa araw-araw na nagiging mekanikal at rutina na para sa kanila.

Kailangan nila ng pahinga, ng panahong para lang sa kanila, ‘yun ang tinatawag na premyo nila sa kanilang sarili sa parang pagiging makinang giling nang giling sa maghapon at magdamag.

Labinglimang taon ng pagkanta at pag-arte. Hindi biro ang mga panahong inilaan ni Sarah Geronimo para matupad ang kanyang pangarap na sumikat at mabago ang buhay ng kanyang pamilya.

Pati ang kanyang personal na kaligayahan ay isinuko muna niya. Maraming nagtangkang manligaw sa kanya pero blangko agad ng kanyang mga magulang. Masuwerte si Matteo Guidicelli dahil hindi ito sumuko sa laban.

Si Sarah na mismo ang nagtanong, bakit nga ba sa kabila ng lahat ng mga papuri at palakpak, sa kabila ng yaman at kasikatan, sa kabila ng magagandang oportunidad na dumarating sa kanyang career ay hung­kag pa rin ang kanyang damdamin, meron pa ring kulang?

Kulang na kulang na kasi siya sa pahinga at tulog, kulang ng oras para sa kanyang sariling kakuntentuhan, kulang na kulang siya sa pagkakataong makita ang kagandahan ng mundo.
Si John Lloyd Cruz ang unang-unang persona­lidad na naisip namin nang maging emosyonal si Sarah Geronimo.