Abante Tonite Interactive

Sarah, Juday, Anne tinalo ni Nadz

538

Mas lumakas daw ang chance ni Nadine Lustre na maging Darna sa pagkakapanalo niya bilang Best Actress sa kakatapos na 67th FAMAS Awards.

Ewan kung anong konek ng nasabing award sa much-coveted Pinoy superheroine role na binakante ni Liza Soberano, pero feeling ng netizens ay mas tumaas ang premium ni Nadine sa napanalunan niyang award at karapat-dapat talaga siyang maging Darna.

Isa si Direk Erik Matti sa nagsasabing after Liza ay si Nadine ang choice niya to play Darna. Si Direk Erik dapat ang magdidirek ng bagong Darna movie pero napalitan siya ni Direk Jerrold Tarog.

Kinabog ng “Never Not Love You” star na si Nadine sa Best Actress category sina Judy Ann Santos (“Ang Dalawang Mrs. Reyes”), Angelica Panganiban (“Exes Baggage”), Glaiza de Castro (“Liway”), Sarah Geronimo (“Miss Granny”), Pokwang (“Oda sa Wala”), Anne Curtis (“Sid & Aya: Not A Love Story”), Perla Bautista (“Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon”), Gabby Padilla (“Billie & Emma”) at Iyah Mina (“Mamu, And a Mother Too”).

Sa kanyang acceptance speech ay nabanggit ng 25-anyos na Viva actress na hindi niya dapat gagawin ang “Never­ Not Love You” dahil meron siyang matin­ding pagsubok na pinagdaanan nu’ng panahon na ‘yon.

Ilang beses daw siya muntik umatras sa pelikula dahil feeling niya ay hindi niya kayang gawin nang maayos ang role dahil sa personal na krisis na pinagdaanan niya.

Ang tinutukoy ni Nadine ay ang pagkamatay ng kanyang 16-anyos na kapatid na si Isaiah dahil sa suicide.

Sobrang unforgettable daw ng nasabing movie dahil kahit nandu’n siya sa lowest point niya ay naitawid niya ito with flying colors.­

Nagpasalamat din si Nadz sa boyfriend niyang si James Reid na lagi raw siyang pinu-push to be at her best at pinapaalala sa kanyang mas malakas siya sa kahit anong bagyo na dumarating sa buhay niya.
***

JK sinisi ang ‘dyowa’ sa pagtaba

Ang rumored girlfriend niyang si Maureen Wroblewitz ang nag-design ng bagong malaking tattoo sa braso ni Juan Karlos Labajo.

Ayon sa Instagram post ni JK, gawa ni Maureen ang mala-Queen of Diamonds na design ng kanyang tattoo.

Umiiyak ‘yung girl doon sa tattoo, kaya sabi ng fans ay baka may depression daw o cry for help ito ng magandang model at co-host ng “Eat Bulaga.”

Anila, tila parehong dark at edgy sina JK at Mau kaya siguro nagka­kasundo ang dalawa. Ang tisay na dalaga ay may pagkamisteryosa ang aura.

Si JK ay panay ang Maureen posts sa IG, pero si Mau ay walang pinu-post na anumang JK pics sa social media.

Last Lenten vacay ay may post si JK na hawak ang mukha ni Mau habang nasa swimming pool ito, so mukhang magkasama ang dalawa sa Boracay.

Obvious na inlabey ang 18-anyos na “Buwan” singer sa 20-an­yos na dalaga, na kung tawagin niya ay, “Ang ­aking buwan,” “Jackpot,” at “Aking dalagang Pilipina German, yeah!”

May comment pa si JK sa isa niyang post na si Maureen daw ang sisihin kung bakit siya tumaba.

Nu’ng isang araw ay may hanash na naman si JK sa kanyang IG Story na hindi niya tinukoy kung sino ang kanyang pinasasaringan.

Aniya, “Puro pagpapapansin ang ginagawa sa mga gigs ng mga taong walang modo na nakikisabay lang sa bandwagon ng mga ulol na walang ibang magawa sa buhay kung hindi ay mambastos sa artist na nagpe-perform sa mga lugar nila.

“Mga walang respeto sa kapwa. mga walang hiya. Naawa ako sa mga magulang ninyo.

“Kung kayo ang kinabukasan ng ating bansa, aba’y dapat makapunta nako sa kabilang dulo ng mundo bago pa ma­ging huli ang lahat. Kung kayo ang kinabukasan ng ating bansa, nakakatakot isipin.”

Takaw-away ang da­ting ni JK, na minsan nang minura at nginaratan ang isang audience member na sumigaw ng, “I love you, Darren!” habang nagpe-perform siya sa entablado ng Rakrakan Festival 2019 kasama ang kanyang Juan Karlos band.

Idinemanda si JK ng kampo ng dati niyang kaibigan at kapanabayan sa “The Voice Kids” na si Darren Espanto dahil sa kontrobersiyal niyang tweet na, “Gayness at its finest!” na patungkol umano kay Darren.