Abante Tonite Interactive

Sarah kinabog ni Jason Dy sa dance floor

0 192

Ang saya ng “The Voice Kids” after party matapos manalo ng manok ni Sarah Geronimo na si Vanjoss Bayaban nu’ng Sunday night.

Nagkaroon ng mini reunion ang Team Sarah at bongga ang sayawan nila, na naki-join din sa kanila ang Popstar Princess.

Effortless at girl na girl sumayaw ang napaka-slim ngayon na si Sarah, pero mas napansin ang bonggang pag-indak ng “The Voice PH” Season 2 winner na si Jason Dy.

Ang lambot pala ng katawan ni Jason at iba ang mga pitik, kembot at giling nito, na in fairness ay saulado ang dance steps ng hit song ni Sarah na “Tala”.

Pak na pak ang paghataw ni Jason, na ang daming naaliw kaya nag-trending ito sa Twitter.

Nakisali rin sa impromptu dance prod with SG sina Morissette Amon, Darren Espanto, Zephanie Dimaranan, Kyle Echarri, Klarisse de Guzman at Jona Marie Soquite, atbp., pero si Jason talaga ang nangabog sa dance floor.

Sinayaw din nila ang “Kilometro” ni Sarah at wagi pa rin si Jason, na certified Popster talaga at memoryado ang bawat galaw sa nasabing kanta.

Umani ng sari-saring komento ang bigay na bigay na pagsayaw na ‘yon ng close friend ni Erik Santos, pero walang dapat ikahiya si Jason dahil pinakita niya lang na bukod sa pagiging singer ay isa rin siyang natural dancer.

Parang magandang idea na pagsama-samahin ang Team Sarah at mag-dance prod sila sa “ASAP Natin ‘To” para maiba naman.

And speaking of Team Sarah, may mga nagsasabing hindi pa hinog ang boses ng “TVK4” winner na si Vanjoss Bayaban at mas magaling daw ang mga nakalaban nitong sina Carmelle Collado (ng Camp Kawayan) at Cyd Pangca (ng FamiLea).

Reklamo ng fans, nakabase raw ang resulta sa dami ng fans ng coach kaya lagi na lang alaga ni Sarah ang nananalo.

Well, normal naman ang mga ganu’ng reaksyon sa mga kompetisyon. At ganu’n talaga ‘pag may text voting, so kailangan nilang tanggapin ang katotohanan na ‘yon. (Allan Diones)