Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah kinasabikan sa Tala

0 61

Nagkakagulo at biglang ligalig na ligalig ang Popsters. Bakit kaniyo?Dahil putok na putok na ang balita na ang “Tala, the Film Concert” eh ilang kembot at kandirit pa eh itatanghal na.

Alam naman natin naging mega-hit at super duper dance craze ang “Tala” song ni Sarah Geronimo. At ngayong Mrs. Gianmatteo Vittorio Guidicelli na siya, hindi na kataka-taka na fever pitch ang excitement ng kanyang mga bata-batalyong tagahanga sa payanig na ito.

Ang teaser clip nito na may dramang “Are you ready to experience a new Sarah G,”nakaka-altang tunay and every second of it screams superstar talaga ang nag-iisang signiorina Guidicelli. Super exciting ang dating dahil ibang pasabog naman talaga na may world pa-premiere ito kaya nga ang pagiging pangmalakasang presensiya nito sa Twitter at sa iba pang online platforms.

Ano nga kaya ang “kakaibang” Sarah ang mapapanood sa “Tala, theFilm Concert.” Mas pusong-puso kaya ang kanyang pag-awit at interpretasyon sa love songs kasi nga lei e cosi inamorata di suo marito (she is so in love with her husband) Matteo?

Meron din kayang segment sa konsiyerto kung saan may pagpupugay siya sa kanyang mga magulang?

At sa konsiyerto kayang ito ang pagtatapat na she and her husband, eh magkaka-baby na soon? Marami kasing espekulasyon na nagdadalang tao na si signiorina Guidicelli kaya hindi muna ito nagpapakita sa isang noon time musical variety show. Dito nga kaya magaganap ang kumpirmasyon?

Siguradong magiging unforgettable viewing experience ito at ang tiktak ng chika pagkatapos ng concert, pang trending muli for sure.

Cristine, Diego lalaban sa lampungan

Malakas ba ang audience impact ng tambalan nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga?

Alam naman nating lahat na sila ang bibida sa Philippine remake na nagmula sa land of the morning calm, ang “Encounter” kung saan ang mga istariray na lead star nito ay Korean superstar na sila Song Hye-kyo at Park Bo Gum.

Older woman, younger man who fell in love ang basic story plot ng “Encounter” at ang diva that you love, pinanood ito kaya nga hindi ko maiwasang magtanong at magtaka, can Reyes and Loyzaga pull off a Hye-kyo and a Bo Gum?

SM food to go Banner Ad

Heiress na hotel magnate sa original Korean drama ang katauhang bibigyang buhay ni Cristine. Sure naman akong she can pull off the fashion sense, pati na rin ang acting. Ang pagduduhan ko lang, eh ang kasosyalan at tunay na altang pagkilos niya.

Sa Korean drama kasi, poised at parang laging contained ni Hye-kyo ang kanyang damdamin. May ex-husband pa siyang gusto siyang balikan at may ex mother in law na hate na hate siya. Kaya interesting to see kung paano bibigyang buhay ni Reyes ang kanyang katauhan.

Looks and body wise, kayang-kayang tapatan ni Loyzaga si Bo Gum. Ang gusto ko ring mapanood eh kung paano niya gagampanan ang emotional growth ng kanyang katauhan dahil nga mas seasoned ang kanyan babaing mamahalin na sangrekwa ang komplikasyon at problemang pinagdadaanan.

Magandang break ito for Diego dahil ang daming pang- heartthrob moments sa original Korean drama. Ang “Encounter” tiyak ang magpapaalala sa ating muli na talagang pang- leading man ang jowa ni Barbie Imperial.

Ang downside lang sa kaganapang ito, sadya bang salat tayo sa original na kuwento at material at kailangang sa isang banyagang palabas pa magmula ang drama na pagsasamahan nina Crisitne at Diego?

Ang dami naming ways and means to write an exicitng and fresh take to a cougar and cub relasyon. Dahil ba may fan base na ang “Encounter” kaya ito ang piniling i-remake?

Sana lang eh hindi nila “babuyin” ang “Encounter” para naman hindi nila maramdaman ang bangis ng mga fan nito.

Rabiya inokray ang fashion style

Huwag na nating patulan pa ang the WHO na TikToker who maximized her infamy by making daot the fashion styling at sense ni Rabiya Mateo. Ang fashion blunders pwedeng itama pero ang kagaspangan ng pag-uugali at dilang matabil, kahit kailan hindi mo ikagaganda.

Hindi ko maunawaan kung bakit mo ipinagtatanggol ang mga binibitiwang salita mula sa idolo mo na obviously ay anti-women.

Leave A Reply

Your email address will not be published.