Abante Tonite Interactive

Sarah lumalim ang akting

By , , , ,
958

MILDRED BACUD: Maganda ang feedback at reviews sa pelikulang “Miss Granny” na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo kasama pa sina Xian Lim at James Reid. Sa imbitasyon ng 3 fan club ni Xian Lim (KimXi, KimUy, KATG) ay naimbitahan kami sa block screening.

Upon watching the movie, we totally agree that the movie is worth watching for. Hindi naman nakakapagtaka dahil adaptation ito ng hit Korean movie na may parehong titulo.

Revelation ang ipinakitang acting dito ni Sarah Geronimo. Masasabi kong sa lahat ng pelikulang ginawa niya ay dito ko siya papalakpakan nang husto. May lalim na ang pagganap and she moved the audience lalo na sa scene nila ng anak sa pelikula na si Nonie Buencamino. Nasabi nga naming after 15 years in the industry, Sarah gave justice to her role and proved that she is an actress not just the Pop Princess. Nagtagumpay si Direk Bb. Joyce Bernal na ilabas pa ang husay ni Sarah. Kaya naman ‘di nakakapagtaka dahil by word of mouth ay marami nang nanonood ngayon.

ROMMEL PLACENTE: Oo nga friend Dred, napatunayan ni Sarah na isa siyang versatile actress, na kahit anong role ang ibigay sa kanya ay nagagampanan niya nang buong ningning.

Sa pelikulang ito, she is so super galing. Kaka­ibang Sarah ang napanood dito, malayong-malayo sa mga role niya before. At sa tingin ko, mapapansin ng mga kritiko ang akting na ipinakita niya rito, na posibleng ma-nominate siya for Best Actress sa iba’t ibang award giving bodies at baka nga ma­nalo pa siya.

Bukod sa akting ni Sarah, super nagustuhan din namin ang pelikula. Hindi lang kami pinatawa rito kundi pinaiyak din kami. Truly, the movie is worth watching. So maraming salamat sa United KimXian sa imbitasyon nila sa block screening ng “Miss Granny”. Dahil sa kanila, napanood namin ang pelikula.

RODEL FERNANDO: Marami ngang positibong reviews sa pelikula ni Sarah G at laman ito ngayon ng social media. Sayang, hindi ko pa napanood ang pelikula at hindi ako nakahabol sa pa-block screening ng KimXi United. Dahil sa mga magagandang papuri, gusto ko mapanood ang pelikula. Ito na siguro ang simula para mag-level up na si Sarah. Dapat talaga pagtuunan niya ng pansin ang pagiging aktres niya. Ganyang edad nang humahakot na ng awards sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Congratulations sa success ng movie na habang pinipilahan ay naging masaklap naman ang dina­nas ng mga ilang kalahok sa katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino. Sa totoo lang, dalawang pelikula lang yata ang masasabing pinilahan gaya ng “The Day After Valentine’s”. Mas malakas pa ang unang taon ng PPP. Ano ba ang nangyari? Baka kaya nagsawa ang mga tao sa sunod-sunod na film festival sa atin? Do something, Chairman Liza Diño-Seguerra!

RONALINE ­AVECILLA: Trulala. Sa rekomendas­yon pa lang ng mga beshies ko ay napapaisip na akong panoorin ang movie. Perfect daw kasi si Sarah para sa role. Talagang mapapatigil ka raw everytime na inaawit ni ­Sarah ang mga famous hits ng 1970s gaya ng “Kiss Me, Kiss Me” at “Rain”. Maging ang mga review ay walang downside. Masasabi pa nga na ito raw ang pinakamagandang remake ng pelikula. Hindi na nakapagtataka na umani ito ng 13.8 million gross in 2 days.

Maging dito nga sa amin sa bundok ay ­usap-usapan ang “Miss Granny”. Isama raw sa panonood ang mga na­nay dahil makaka-relate sa mga theme song.

CUATROS: Aba­ngan kami ngayong tanghali sa Abante TONITE TNT LIVE. Guest namin si Alma Concepcion sa #ShowbizPamore 12 to 1 PM. Panoorin sa website ng tnt.abante.com.ph, Facebook Live Abante News Online, Abante Tonite,YouTube channel: Abante Tonite at alamin ang update sa Twitter @AbanteNews.