Abante Tonite Interactive

Sarah, Maine pinagsasabong sa endoresment

1,208

NI: RONALINE AVECILLA

Trending topic ngayon sa Twitter ang actress/singer at top endorser na si Sarah Geronimo.

Umabot na ng 19 thousand tweets ang hashtag na “SarahGTheTrustedEndorser” na nasa ikalawang puwesto na sa Hot Trending Topic sa Twitter sa ating bansa.

Hindi na rin mabilang ang endorsement ng aktres sa iba’t ibang media platform. Dagdag pa diyan ang bagong announcement na siya ang magiging bagong endorser ng isang sikat na local canned food.

Proud na proud ang kanyang mga fan sa panibago niyang achievement.

Samantala, umaalma naman ang mga fan ni Maine na ito pa rin umano ang top endorser at highest paid ­endorser ng ‘Pinas.

Pinagsasabong tuloy ang dalawa kung sino talaga ang mas maimpluwensya sa larangan ng endorsement.