Abante Tonite Interactive

Sarah manganganak next month

By
4,677
SA susunod na buwan ang kabuwanan ni Sarah Lahbati para sa 2nd child nila ni Richard Gutierrez.

Nagpahayag ng kasiyahan at excitement si Richard sa pagkakaroon uli ng anak na lalaki.Mas magkakaroon siya ngayon ng panahong matutukan ang kanyang mag-ina sa nalalapit na pagwawakas ng seryeng La Luna Sangre.

Ang muling pagbubuntis ni Sarah ang dahilan kung bakit naudlot ang dapat sana’y pagpapakasal nila ngayong taong ito.

Nakaplano na raw ‘yun pero nagbago ang priorities nila nang magbuntis uli ang aktres.

Isa sa ikinokonsidera nina Sarah at Richard ay ang magpakasal sa abroad para maging intimate ang gathering nila.

Pero dahil kinakaila­ngan nilang isipin ang mga tao sa paligid nila lalo na ang pamilya ni Richard, kaya pinag-aaralan nila ang posibilidad na dito rin sa Pinas ikasal.

Nakabuti rin raw na hindi muna matutuloy ang kasalan para mas mahaba ang preparasyon nila ni Sarah.

Samantala, nang matanong namin si Richard tungkol sa nangya­ring hindi kanais-nais sa ate niyang si Ruffa Gutierrez at sa dalawang pamangkin na sina Venice at Lorin sa Malaysia, tumanggi ang aktor na mag-comment tungkol dito. Ayaw na raw na pinag-uusapan ng dalawa niyang pamangkin ang bagay na ito.

Sabi na lang ni Richard mabuti na lang daw at wala siya nung mga sandaling ‘yun dahil baka may mangyaring hindi maganda.

Papayuhan na lang daw niya ang dalawang pamangkin na maging vigilant sa kanilang safety para maprotektahan ang kanilang sarili sa labas ng bansa.

Daniel at Kathryn, hindi perfect ang relasyon

MALAKING bagay kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang halos isang taon nilang pagganap bilang sina Malia at Tristan sa seryeng La Laluna Sangre sa ABS-CBN 2.

Mas lalo raw nilang nakita ang kahalagahan ng pagmamahalan, at ito ang naia-apply nila sa kanilang relasyon nga­yon sa tunay na buhay.

Sa nasabing serye, hanggang kamatayan na ipinaglalaban nina Tristan at Malia ang kanilang pag-iibigan.

Hanggang saan naman ipaglalaban ni DJ si Kathryn sa tunay na buhay?

Nagbiro si Daniel at binanggit ang top-rated legal show ng Kapamil­ya network, “Hanggang may katuwiran ka, e, ipaglaban mo.”

‘Di gaya ng ibang love team, walang laswa o bahid ang KathNiel.

“Puwede mo nang sabihin na ‘yung ibang kabataan ngayon ay kami ang nagiging role model ni Kathryn.

“Kami rin po, alam namin ang dapat ipakita sa mga tumitingala sa amin,” deklara ni DJ.

“Kaya ko siyang yakapin ngayon sa harap niyo,” pagbibiro ni Kathryn na pumormang yayakapin ang rumored boyfriend.

“Pero kung iisipin mo, may mga nagagawa kami na hindi pa rin nagagawa ng iba. Pros and cons ‘yun.

“Like, kami, nakakabili ng bahay sa pamilya namin at a very young age.

“May mga good and bad side naman po talaga lahat.”

Sinabi ni Kathryn na hindi sila perpektong love team o magkarelasyon.

Sabi pa nya, “Kami ni DJ, siguro hindi rin naman namin mapa-promise sa lahat na magiging perpekto kaming ehemplo sa inyo.

“Pero maipapangako namin na magpapa­katotoo kami sa inyo.

“Nagpapasalamat kami, lalo na sa mga bata na tumitingala sa amin, naging inspiration nila kami.

“Parang ‘yun ang ma­laking bagay sa amin, okay, ginagawa natin nang tama ‘yung trabaho natin and nagkakaroon kami ng purpose because of them.”