Abante Tonite Interactive

Sarah-Matteo civil wedding natuloy sa Taguig

6,072

Natuwa nang bongga ang AshMatt fans kahapon dahil sa balitang kahapon daw ang kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Agad na naging top trending topic sa Twitter PH ang #AshMatt pati na sina Sarah, Matteo at maging si Tito Ricky Lo na source ng nasabing balita.

Agad na nahimasmasan ang AshMatt fandom nang mag-post ang isang staff ng “The Voice Teens” na nandu’n si Coach Sarah at may taping daw ito kahapon.

Nagbiro tuloy ang staff na baka doon daw ang venue (ng sinasabing kasal) at invited daw sila.

Hirit naman ng isa pang Kapamilya, baka raw madaling araw ang kasal dahil hanggang gabi raw sila sa taping ng “The Voice Teens”.

May isa pang staff na nag-post na nagtatanong kung anong oras ang wedding. Magdo-double time daw sila sa shoot at sila na ang mag-a-adjust.

Ang ABS-CBN News ay naglabas ng picture ng Popstar Royalty na kuha sa Kapamilya compound kung saan busy raw ito buong araw sa band rehearsals para sa “The Voice Teens”.

Naging biruan tuloy ang balitang kasalan, na diumano ay ‘hush-hush’ lang at ang sure daw na dadalo ay ang pamilya ni Matteo, pero ang mga magulang daw ni Sarah ay hindi sigurado.

Ang sabi-sabi pa ay nag-apply na raw ng marriage license ang AshMatt nu’ng February 3 pa, kaya puwede na talaga silang magpakasal.

‘Yung ibang diehard AshMatt fans ay hoping pa rin na baka totoo nga ang balita.

May time pa na naman daw kasi, so maghihintay daw sila hanggang 11:59 PM kung may magaganap ngang wedding dahil puwede naman daw na civil lang.
Ang update ngayon ay kinasal sila sa Taguig. Pero nabahiran ito ng kontrobersyal dahil nagpa-blotter ang bodyguard ni Sarah na umano’y sinuntok ni Matteo. Ito’y matapos na dumating umano ang ina ni Sarah na si Divine sa wedding ceremony. Nalaman ng aktor na ang bodyguard ang nagsabi dito.

In fairness ay ang ganda ng petsa kahapon na 02.20.20 for a wedding, ha?

Basta ang napatunayan ng AshMatt ay excited talaga ang lahat na maikasal na silang dalawa.

PAK!!

Bukol ni Gil pinaglalawayan

After Paul Salas ay si Gil Cuerva naman ang ni-reveal ng Bench Body na bagong celebrity endorser nito.

Ang daming naglaway-laway kay Gil na naka-underwear lang dahil ang talap-talap daw ng flawless na binata.

Napagkumpara pa ang pabukol ni Gil kay Paul dahil mas malaman daw ang loob ng underwear ni Gil kaya mas delicious daw ito.

Actually, sinabi namin ‘yon kay Paul paglabas nu’ng Bench Body ad niya, na wait namin ang mas pasabog niya na shots dahil medyo bitin pa ‘yung nakita namin.

May isang pinost si Paul na mas kita na ang pasantol niya habang nakaupo siya sa may gubat, pero tila gusto pa ng more ng mga beks.

Ang dinig namin ay ‘gifted’ ang 21-anyos na pamangkin ni Dingdong Dantes, so lalaban ito sa Battle of the Bukol.

Feeling namin ay edited ‘yung bulge ni Paul doon sa lumabas na pics dahil kailangan kasi ay wholesome pa rin at hindi puwedeng scandalous ang shots ng Bench Body hunks.

Sa Davao pala nag-shoot si Paul ng kanyang Bench Summer 2020 campaign at nu’ng late January niya raw niya ito ginawa.

Actually, nagawa na rin ‘yon dati ng Tito Dingdong niya na nag-pose din in his skimpy Bench underwear noong araw.

Ang sabi sa amin ni Paul, “Gusto ko sanang gayahin ang mga pose niya, kaso mukhang hindi ko mapapantayan. Ha! Ha! Ha!”

Sey pa ni Paul, sa taping daw nila ng primetime serye nila ay tinanong siya ng Tito Dong niya kung kamusta ang Bench shoot niya.

Hindi raw nito alam na pang-Bench Body ang ginawa niya. Nu’ng sinabi niya raw ay natawa ito at nag-congrats sa kanya.

In fairness ay ang daming natuwa kina Paul at Gil dahil may fresh new faces ang Bench Body. At saka at least daw ay walang scandal pics o videos ang dalawa.

Ilan sa mga nauna nang mag-pose in their Bench undies ay sina Jeric Gonzales, Juancho Trivino at David Licauco.

Kailan naman kaya si Derrick Monasterio na Benchsetter din?

Si Ruru Madrid ay nasa Bench Active sportswear line, pero marami ring nag-aabang na mag-pose si Ruru in skimpy Bench Body underwear.

PAK!!