Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Matteo ‘ di sumawsaw sa politika; walang inindorsong kandidato

0 41

NI:VINIA VIVAR

Tinuldukan na ng Viva Artists Agency (VA) ang mga espekulasyong naglalabasan tungkol sa mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Sa kanilang Instagram page last Friday, finally ay inanunsyo ng VAA na walang susuportahang kandidato ang mag-asawa sa eleksyon ngayong taon.

“Contrary to rumors circulating, our artists, Sarah Geronimo-Guidicelli and Matteo Guidicelli are not endorsing any political candidate for the upcoming elections.

“For updates and announcements, please only refer to verified and official social media accounts,” pahayag ng management nina Sarah and Matteo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bago ito ay napakarami kasing naglalabasang balita sa kung sino ang susuportahang kandidato ng mag-asawa especially sa Presidential candidate. May nagsasabing Kakampink ang AshMatt at may nagsasabi namang pulaan sila.

May nagsasabi pa ngang nasa ibang partido raw si Sarah habang si Matteo naman ay sa kabilang panig.

Natuwa naman ang mga AshMatt fans at anila ay good decision daw na hindi na nakigulo ang mag-asawa sa politika. Pero ang mga supporters ng iba’t ibang kandidato ay na-dissapoint na hindi ang kanilang manok ang susuportahan ng couple.

“Nowadays, all we need is RESPECT. Please nag post na po ang Viva #NoToFakeNews po,” pahayag ng isang fan.
“Good,” sey naman ng isa pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.