Abante Tonite Interactive

Sarah-Matteo engaged na

0 185

NI: ROLDAN CASTRO

Pakakasal na sina Sarah Geronimo at 
Matteo Guidicelli.

Kitang-kita ang diamond ring na suot ni Sarah sa dalawang larawan na post ni Matteo sa kanyang Instagram account.

May caption ito na “I love you my love, now and forever. (heart emoji)”

Masayang-masaya sila sa photo. May isang larawan din na sinasakal ng Pop Princess si Matt.Tila pakahulugan ito na patatali na sila.

Marami ang nag-congrats sa dalawa gaya nina Angel Locsin,Karla Estrada. Gary Valenciano, DJ Chacha, Vina Morales, Bianca Manalo, Luis Manzano, Alex Gonzaga, KC Concepcion atbp.

Last month ay nagdiwang sila ng kanilang 6th anniversary.
Ang duda ng mga netizen ay doon nag-propose si Matteo sa Bali, Indonesia.
Sa ngayon ay wala pang detalye kung kailan sila pakakasal.