Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Matteo espesyal ang first Christmas

0 262

This year ang first Christmas together as a married couple nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kaya marami ang interesadong malaman kung paano nila ito ipinagdiriwang.

Sa video na ipinost ng ine-endorse nilang supermarket ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang Christmas plans.
Ayon kay Matteo ay very special para sa kanila ang Pasko this year.

“This year is very, very special to Sarah and I because this is the first time we’re ever spending Christmas together, obviously as husband and wife, and as two people together forever,” he said.

Sa nasabing video ay tinanong ni Sarah si Matt kung ano ang gusto nitong handa for noche buena.

“Your chocolate cake, your blueberry cake, your strawberry cake,” sagot ni Matt. Natatawang sey ni Sarah, “puro cake?”
“And then I’ll make pasta,” sabi ulit ni Matt.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Sarah ay favorite time of the year daw niya ang Christmas dahil lahat ay nagmamahalan at nagbibigayan.

“Iba, eh. Pati ‘yung hangin, malamig, siyempre, of course, good food, di ba? Enjoying good food with your family, your loved one, ‘yun, kaya ko siya favorite talaga.

“Saka ano talaga, love, mahilig ako sa mga glitters, mga glittery na bagay, sparkles, so gusto ko talaga nakakakita ng mga Christmas decorations,” ani Sarah.

Ayon naman kay Matteo, “this Christmas will be very, very different because kung baga, it’s a new family. It’s you and I for the first time. So ‘yun. We’re gonna celebrate together.”

Sa mga darating na taon, ani Matteo ay looking forward siya for more Christmases with his wife.

“I can’t wait to spend more and more Christmases with you, forever and travel the world and spend Christmases with you not just here but all over the world,” sabi ni Matt kay Sarah.

Leave A Reply

Your email address will not be published.