Abante Tonite Interactive

Sarah, Matteo extended ang honeymoon sa lockdown

1,662

NI:VINIA VIVAR

Dahil extended ang enhanced community quarantine, extended din ang honeymoon ng bagong kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Sa latest Facebook live streaming nga ng One Voice Pilipinas na project ni Matteo, tinanong ang aktor ng mag-asawang Dr. Hayden Kho and Dra. Vicky Belo kung kumusta na sila ni Sarah during the quarantine.

“It’s just the both of us, we’re here at home together and everything is good. Extended honeymoon kung baga,” sey ni Matteo sabay-tawa.

Tanong ng co-host ni Matteo na si Kean Cipriano, “so, kung gaano katagal ang quarantine, ganu’n din katagal ang honeymoon nyo?”

Kantyaw naman ni Doc Hayden, “quarantime!”

Ayon kay Matteo, kahit nasa bahay lang daw sila ni Sarah, they try to be productive pa rin naman daw.

“Sarah has started to tape for ASAP every weekend, so ‘yun,” sey ni Matteo.

Nag-donate ang mag-asawa sa One Voice Ph ni Matteo na naglalayong makatulong sa Filipino families during the CoVid-19 crisis.

Tonite – Wendys Inhouse Ad