Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah-Matteo honeymoon binuking ni Vicki

0 599

Finally ay nakapag-honeymoon na rin ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Long overdue nga nga actually dahil February pa sila ikinasal pero dahil nga sa COVID-19 pandemic ay hindi na sila nakaalis pa.

Ang kaibigan nilang si Dra. Vicki Belo ang nagbuking ng honeymoon na naganap na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Noong una ay nagpa-guessing game pa si Dra. Vicki at nag-post lang ng larawan ng tatlong pares ng legs na nasa bangka.

“Can you guess which lower legs BELOng to whom ? Answers to be posted later tonight,” caption ni Dra. Vicki.

Sa comment section ay nagbigay siya ng clue. Aniya, “hint : it’s kindda they’re long delayed honeymoon.”

May humula na silang mag-anak ang tatlong pares ng legs (Dra Vicki, husband Hayden Kho ang their daughter Scarlet Snow), pero itinanggi agad ito ng doktora.

“Sorry guys but Hayden’s legs are much hairier than those and I’m taking the picture . So we are not in the picture . Try again everyone .”

Sa mga sumunod na comments, majority ng hula ay sina Sarah, Matteo and Scarlet.

And as promised, kinagabihan ay tinapos na nga ni Dra. Vicki ang pahulaan at nag-post ng larawan nina Sarah at Matteo with Scarlet Snow and their doggie na tila kararating lang (or paalis pa lang?) sa kanilang destinasyon.

“You guys are good . After I gave the delayed honeymoon clue , the majority of you guessed right,” ang caption ni Dra. Vicki.

Hindi na nagbigay pa ng detalye ang aesthetician/dermatologist kung saan ang honeymoon and the exact date but obviously ay out of town ito.

Natuwa naman ang mga AshMatt fans na sa wakas ay nakapag-honeymoon na rin ang kanilang idolo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.