Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah-Matteo ikakasal sa simbahan

0 186

Tiyak na naglulundag sa tuwa ang AshMatt fanatic. Bakit kaniyo? Paano ba naman, ang mabunying signore Matteo Guidicelli, inamin na sa tamang panahon, ang kasalan sa simbahan nila ni signiorina Sarah Geronimo-Guidicelli ay sure ball na sure ball.

Walang pang pinakawalang petsa ang si Guidicelli pero ang pakasalan si Sarah sa harap ng Diyos at sa maraming tao ay isa sa bucket list nilang mag-asawa na tiyak na magkakatotoo.

Tama naman ang planong ito ni Guidicelli. His lovely wife so deserves a church wedding. Timing is crucial sa event na ito kasi nga may pandemya pa, wala pang kasiguraduhan kung kailan darating ang vaccine sa Pilipinas para sa virus.

Sa ngayon, wag na muna nating i-speculate kung sino ang magtatahi ng wedding dress ni Sarah. Kung ano ang kanilang color schemes. Kung ilang ninong at ninang. Kung sa Manila, Cebu or sa Italya ba mangyayari ang tiyak na hihiranging wedding of the year.

Eh ang pagkakaroon ng bambino princepe o piccolo principessa? Para sa signore Guidicelli, ini-enjoy nila ni Sarah ang kanilang honeymoon stage at kung ibibigay sa kanila ang pagkakataon na magka-anak na, mangyayari ang nakatakda at hindi kailangang paspasan ang paggawa.

Of course their future bundle of joy will surely add more excitement, happiness and kilig to their marriage pero wag nating i-pressure ang magsing-irog na mag go forth and multiply na.

Of course marami ang nanalig na ang pagdating ng apo ang magpapalambot sa matigas na puso ni Mamang Divine kaya marami ang nagdarasal na makabuo na ang mnag-asawa para matuldukan na ang dapat matuldukan at maging payapa na ang lahat.

Huwag nating pangunahan ang bagong kasal at hayaan natin silang to know each other better pa, discover the kulit and moods of one another, do things they both enjoy and learn from each.

Ang best part of coupling talaga is memorizing your partner’s scent and yung kahit na nakatalikod siya at so many feet away from you, alam mong siya iyun at yung pag nagtama ang mga mata niyo, may look of love talaga.

Ibigay natin kina signore Matteo at signorina Sarah Geronimo-Guidicelli ang kanilang tamis-tamisan at sarap-sarapang moments of love.

SM food to go Banner Ad

KZ trending kay Ms. Everything

Juice colored! Siguradong shookt ang lahat kung bakit ilang oras namayagpag bilang trending topic sa Twitter ang pangalan ni KZ Tandingan.

Buntis na ba siya? Parang hindi pa naman? May bagong singing contest ba siyang sasalihan sa ibang bansa? Nada. Parang yung huling sinalihan niyang international singing contest eh on line viewers at fans lang ang nadagdag peo wala namang doors or windows na binukas for her.

O, mapapanood na rin natin siya sa Sunday noontime musical variety shows sa Singko o di kaya sa Siyete? Nada!

Kaya pala trending si Tandingan ay dahil biglang bumulaga sa Twitter ang kanyang “kambal.” Hindi kambal karibal parang mas kambal sa uma, ang vintage naman masyado. Hahahaha!

Ewan ko kung sino ang nag-connect the dots at kumbinsidong-kumbinsido na magkawangis si Tandingan at ang YouTuber na si Ms. Everything.

May babai-babaihan photo kasi ang natatanging maricon na para pa ngang fashion photo shoot.

Naka-one piece bathing suit ito at parang nagpa-rhinoplasty na hindi naman kataka-taka kung sakaling sponsored by or paid in cash ni Ms.Everything kasi nga yayamanin na ito.

Well, sigurado namang hindi magdadabog ang bangs ni KZ Tandingan sa pananalig ng mga tagahanga ni Ms. Everything na pag styled and glamourized all over ito ay pwede silang pagkamalang magkakambal.

Imitation is still the best form of flattery of course.

Leave A Reply

Your email address will not be published.