Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Matteo inunahan ng kabayo; may bagong ‘kapamilya’

0 137

May bagong miyembro ng pamilya ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Ipinakilala ito ng aktor sa kanyang Instagram followers.

Nag-post si Matteo ng mga larawan ng kanilang bagong-silang na kabayo na pinangalanan daw ni Sarah ng Maple.

“April 28, 2022 2100 our foal was born! Sarah named her Maple! Welcome to the world Maple!!” caption ni Matteo.
Nahihilig kasi ngayon sa farming ang aktor at mayroon na nga silang farm ni Sarah. Sa isang panayam nga ay sinabi niyang gusto niyang sa farm niya palakihin ang kanilang magiging anak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The concept that I want is off-grid talaga. It might not be a monetary investment but it’s an investment for the family. When we have kids, I want them to grow in a space na that is very basic,” sey ni Matteo sa programang Farm To Table.

Dagdag pa ni Matteo, “They will learn how to touch soil, be in the mud, cross rivers, kumbaga. ‘Yun ‘yung things like these, we’re planning for the future and, hopefully, our future family.”

May isang netizen naman na nag-joke na naunahan pa raw sila ng kanilang kabayo na magkaroon ng baby.

Leave A Reply

Your email address will not be published.