Abante Tonite Interactive

Sarah-Matteo isang kendeng, pakakasal na

388

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Awww! Mahal na mahal niya talaga si Sarah Geronimo. Kinikilig ang diva that you love matapos mapagtanto na ang major consideration ni Matteo Guidicelli sa paglipat ng management team ay ang kanyang inamorata.

Ang mga key word talaga ni Matteo, “future toge­ther,” “growing together,” at “ getting older together,” parang isang kandirit, kendeng at kembot pa, pang-mabuhay ang bagong kasal na silang dalawa ni Geronimo, huh!

Ang mga ganitong pahayag, kay sarap basahin at balik-balikan kasi nga we don’t get to read things like this on a regular basis.

Walang dudang si Bb. Geronimo, hindi lang tickled pink kundi kilig all over kasi ang lalaking mahal niya at minamahal siya, ang mga pangungusap, laging pangmalapit na hinaharap na. Alam mong bukal talaga sa puso ni ­Matteo is his “the one” at ang kanyang “one true North” at walang duda na para naman sa dalaga, si Guidicelli ang kanyang “forever is not enough.”

Marami ang nagdarasal na nawa’y pagsamahin sila sa isang pelikula, ‘yung parang “Father of the Bride” o kaya “A Love Story.” Kung pagsasamahin sila sa isang concert, panalong-panalo rin!

‘Supot’ kaswal kay Gelli

In fairness, aliw na aliw ang diva that you love sa trailer ng “Pansamantagal,” bagong pelikula na ang bida ay sina Gelli de Belen, Bayani Agbayani at DJ Chacha.

Ewan ko ba pero panalo ang feels niya sa akin. Kaya siguro ako naaliw kasi isa sa pinakapaborito kong aktres si Gelli. Alam kong she can pull off this comedy romance at keribels niyang maging leading man si ­Agbayani.

At so kaswal ‘yung pagsambit niya sa mga ­linyang supot at titi, huh. Nakakapagtaka nga kung bakit kailangang i-bleep ang mga nasabing salita sa trailer lalo na nga’t lahat naman ng lalaki sa Pilipinas one time in their lives ay naging supot at talaga namang ang male reproductive organ, ang tawag dito ay titi. Naku ha, sobra naman ang double standards sa Filipino. ‘Pag cock, dick, dingdong, phallus, ­penis at schlong, puwede? ‘Pag uncut or uncircumcised, pasok sa banga pero ‘pag supot, hindi? Naku ha, hindi na makatarungan ang ganyang diskriminasyon sa sariling wika natin.

Okay lang sana kung never pa kayong nakakita o naka-experience ng titi o supot na titi, at kung 1900’s pa ang panahon natin, mauunawaan ko ang ganitong proteksyon sa ating mga virgin ears, eyes and minds. Millennial na kaya at alam na alam na ang mga Pinoy, super oriented na sa adult movies, maski tanungin niyo pa ang Porn Hub.

Hindi naman defeatist ang attitude ko sa Philippine cinema and the movies we make, alam kong maka­babawi ang mga pelikulang Pinoy sa takilya.