Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Matteo magbubukingan sa stage

0 57

Tiyak na maglulundag sa tuwa ang mga fan nina Sarah Geronimo-Guidicelli at Matteo Guidicelli.

Maaring ang ibang PopStar fandoms, eh may tears of joy pa nga dahil super ang pagvo-volt in sa isang bago mag-Paskong concert pasabog, ang “Christmas With The G’s”

Virtual concert ito na itatanghal sa Disyembre 18 at ang direktor ay si Paolo Valenciano.

Ano nga kaya ang kakantahin nila sa concert? Ipapakita kaya dito kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan? Maririnig kaya natin ang theme song nila noong sila ay magkasintahan pa lamang at ngayong sila ay mag-asawa na?

May mga on stage bukingan at laglagan kaya sa kanilang peculiar habits ? May sharing din ba kung paano ang kanilang adjustment mula sa mag-sweetheart hanggang sa maging mag-asawa?

Bihirang-bihira na makikita si Sarah sa isang live show performance dahil talagang ibinigay sa this generation’s superstar ang panahon at pagkakataon na ma-enjoy ang kanyang pagiging bagong kasal.

Of course, ang abangers ang lahat, kung sa paparating nilang konsiyerto, ia-anunsyo na ang pagdating ni baby Guidicelli. Ay! Ang saya-saya nu’n pag nangyari talaga, huh!

AJ ‘tablado’ si Aljur

Siyempre alam nating pampakiliti ni AJ Raval para sa paparating niyang pelikula na “Crush Kong Curly” ang ginawa niyang pagpatol sa post ng kanyang co-star Chad Kinis.

Ang paandor ni maricon Kinis sa FB niya ay: “Mention your crush let’s see if he/she will reply. G!” at si Raval, walang halong pag-iimbot at buong katapatan na sinulat sa thread ay: “Hi crush Wilbert Ross.
The WHO si Wilbert Ross? Siya lang naman ang leading man niya sa movie at super tagged niya talaga ito, huh.

May more than 800 replies at reaction sa hanash ni AJ at ang diva that you love, hinanap talaga kung may tugon si Wilbert, huh!

Kung positibo ang reakyon ni Ross sa paglalambing ni AJ ibig bang sabihin nito, hindi lang pang-promo ang pagkakamabutihang ito? Mas marami ba ang matutuwa kung tablado na ni Binibining Raval si Aljur Abrenica at sa bago niyang kapareha ituon ang kanyang damdamin?

Kung tapos na ang pelikula at tuloy pa rin ang sweetness nina Raval at Ross, hindi na kaya dudurugin at yuyurakan ang pagiging babae at pagkababae ni AJ dahil parang hindi naman yata in a relationship itong si Wilbert? Or is he?

Well, ang diva that you love, kung ano magbibigay ng kaligayahan at pamamahal na walang kapantay kay Vivamax millennial sex goddess AJ Raval, she so deserves it.

At kung si Wilbert Ross nga ang magpapa-ekis at erase sa kanyang relasyon kay Ginoong Aljur Abrenica, tama lang naman, hindi ba? Dapat niya namang tablahin na ang Machete of the New Henerasyon.

Roderick keber sa MMFF

Hindi nanghihinayang at mas lalong hindi nalulungkot si Roderick Paulate na hindi pinili ang kanyang comeback movie, ang “Mudrasta” mula sa TREX Entertainment,para sa MMFF ngayong Disyembre.

Pahayag ni Paulate: “May dahilan ang lahat, At sa tingin ko tama na mas mapalabas ang pelikula na mas maraming tao na ang puwedeng makapasok sa mga sinehan. Kasi sa ngayon, 50 percent sitting capacity pa lang ang allowed. Dapat mas maraming tao ang makapanood nito kasi hindi lang siya masaya, o nakakatawang pelikula, may haplos talaga sa puso.”

Ang paghaplos sa puso, eh manggaling sa mga katauhan nila ni Tonton Gutierrez na pinagsaluhang kakaibang pagmamahalan.

Sabi pa ni Roderick: :”Hindi pa yata uso ang mga pink love o yung BL na in ngayon, meron na kami ni Tonton di ba? Hanggang ngayon, marami pa ang nakakaalala dun sa pinagsamahan naming dati sa MMK kung saan nagmahalan ang dalawang lalaki, na yung isa straight at may asawa pa nga, at ako naman yung gay.”

Pagiging versatile dramatic o character actor pala ang pangarap ni Kuya Dick at malaki ang impluwensya ni the late, great Comedy King Dolphy sa kanyang pagtanggap ng gay roles sa pelikula.

Balik tanaw ni Paulate: “Panahon yata ito nung ginagawa ko ang Tepok Bunot, It was a satire at yung katauhan kong si Roda, sinulat at ginawa talaga yun ni Bibeth Orteza para gampanan ko. Napanood yata ni Daddy Dolphy ang isang episode at nakitaan niyang I can carve a niche on doing gay characters. At ‘yun na nga, nung ginawa ko ang first starring role ko sa ‘Charot,’ tuloy na tuloy na.”

Inamin ni Kuya Dick na “typecasting’ at dahil sa natutuwa ang marami sa kanyang pagiging bading kaya talagang kinakarir niya ang kanyang mga katauhan.

Sa mga nagdududa, ang tugon ni Paulate: “Hindi ako bakla. Sinagot ko na yan dati. May mga iba pa nga, na mga kilala ko, tini-test ako, tinitingnan kung, pardon me for the word, bibigay ako. I tell them upfront na ikaw ha, sinusubukan mo ako, hindi tayo talo. Yun ang lagi kong sinasabi. Siguro nga convincing akong magong gay sa pelikula at telebisyon kaya akala nila totoo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.