Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Matteo makikiuso sa online negosyo

0 124

NI: VINIA VIVAR

Dahil sa matinding papuri ni Matteo Guidicelli sa Lemon Blueberry Buttermilk cake na mismong ang asawa niyang si Sarah Geronimo ang nag-bake, na-curious ang mga netizen. Gusto rin nilang matikman ang cake. Ang daming nagsipag-comment na paano raw ba umorder nito.

Sinagot naman ito ni Matteo na tatanggap na raw sila ng online order soon.

“Taking orders soon. One week in advance, pre-order. I’ll send you the menu,” sabi ng aktor.

SM food to go Banner Ad

Pagkatapos nito ay nagsunod-sunod na ang order ng cake ni Sarah mula sa mga kaibigan at mga follower nila sa Instagram. Maging ang mga international fans ay nagtanong din kung magsi-ship ba sila abroad.

Nahihilig lately si Sarah sa pagluluto at pagbe-bake na siyempre, para ito sa kanyang mister. Panay naman ang post ni Matteo ng mga bine-bake ng misis at puring-puri niya talaga.

Deskripsyon nga niya sa Lemon Blueberry Buttermilk cake ni Sarah ay “the cake that will blow your mind.” And in fairness, mukhang napakasarap naman talaga.

Kaya hindi kami magtataka kung talagang gawin nila itong negosyo at hindi malayong mag-succeed dahil ngayon pa nga lang ay marami na ang umoorder.

Leave A Reply

Your email address will not be published.