Abante Tonite Interactive

Sarah-Matteo, Mommy Divine-Daddy Delfin sukob?

5,824

May suspetsa kami na malamang itaon sa 30th birthday ni Matteo Guidicelli on March 26 ang kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib ng kanyang fiancée na si Sarah Geronimo. Ang alam ko, buwan din ng March ang kanilang anniversary bilang magkasintahan and they will be celebrating their 7th sa susunod na buwan.

Before their wedding, mauuna muna ang renewal of vows ng parents ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo. Nakatakdang ganapin on March 14. Hindi nga lamang sinabi ng aming source kung saan ito gaganapin.

Sina Sarah at Matteo ay parehong busy ngayon sa kanilang respective careers – si Sarah ay abala sa paghahanda para sa kanilang back-to-back Valentine concert ni Regine Velasquez sa February 14 & 15. Gaganapin ito sa Smart Araneta Coliseum na pinamagatang “Unified” habang si Matteo naman ay sisimulan na rin this month ang shooting ng pelikulang “Penduko”.

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring i-share nina Sarah at Matteo ang detalye ng kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Benj, Lovely 2021 pa ang wedding

Magkasunod na pumirma ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) last Thursday sina Benj Manalo at ang sexy singer-actress na si Kara Madrid (formerly Kara Mitzki).

Si Benj ay isa sa limang anak ni Jose Manalo.

Seventeen years old pa lamang noon si Benj nang sumali sa “Starstruck” nang hindi alam ng kanyang ama.

Maagang nag-asawa si Benj pero nagkahiwalay sila ng kanyang misis. Nagkaroon sila ng anak na nagngangalang Nathan.

Ang kanyang fiancée na si Lovely Abella ay may isa ring anak sa dating karelasyon. Siya’y nasa poder ng actress.

In January 2021 nakatakdang ikasal ang dalawa.

Although kapipirma pa lamang ni Benj sa Viva, agad siyang isinama sa pelikulang “Spellbound”. Ito’y pinagbibidahan nina Bela Padilla at Marco Gumabao.

***

Balik-Viva naman ang sexy singer-actress na si Kara Madrid. Excited siya dahil agad siyang nabigyan ng movie project. Ito’y ang “Adarna” na tinatampukan nina Coleen Garcia, Mark Anthony Fernandez, JC Santos at AJ Muhlach.

Kasama rin siya sa OctoArts movie na “Zombie Island”.

Napapanood din si Kara sa top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin bilang isang policewoman na ka-grupo ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Samantala, natutuwa rin si Kara na kanyang mare-revive ang kanyang recording career.

Nakapag-record na siya ng isang dance single na “Tayo Na” na sinulat ni Nica del Rosario, same composer ng hit song and dance craze ni Sarah Geronimo na “Tala”.