Abante Tonite Interactive

Sarah-Matteo nagpakaligaya sa Japan

By
4,664

Spotted ang showbiz lovebirds na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa tonite-pak-allan-diones.

Ayon sa reliable source na nakakita sa AshMatt, silang dalawa lang ang magkasama sa posh hotel sa Tokyo kung saan sila naka-check in.

Doon din sa nasabing hotel naka-billet ang aming source kaya sure na sure siya sa kanyang nakita.
Mukhang birthday treat ‘yon ni Matteo para sa kanyang girlfriend na si Sarah, na nag-celebrate ng 30th birthday nito nu’ng July 25.

Masyadong private ang AshMatt sa kanilang relasyon, pero nu’ng araw na ‘yon ay may sweet post si Matteo sa Instagram na binabati ang kanyang mahal na nobya.

“Happy birthday my love! Thank you for understanding me and loving me with a pure heart, it means so much. Words just can’t explain…

“I wish you all the happiness in the whole world because you deserve it all,” ang caption ni Matty sa pic ng sunglasses, na ang mukha nila ni Sarah ay naka-reflect sa lens.

Tila walang party si Sarah this year to mark her 30th birthday, ‘yun pala ay merong pa-Japan ang AshMatt. May sariling selebrasyon pala ang mag-sweetheart na silang dalawa lang.

Malamang may mga magreak agad kung may permiso ba ng Mommy Divine ni Sarah ang trip na ‘yon, pero kung tutuusin ay parang hindi na kailangan dahil trenta-anyos na ang Popstar Princess at apat na taon na ang relasyon nila ni Matteo.

In short ay nasa mga tamang edad na sila at hindi na sila teenager, so walang masama kung mag-travel man sila together na walang ibang kasama.

Sa mga nag-aalala­ naman na baka mabuntis si Sarah, keber ba natin eh buhay niya ‘yon? Mas magulat tayo kung mape-preggy siya na wala siyang karelasyon.

At saka kilala naman natin kung anong klaseng babae si Sarah, na matino siya at intact ang values. Hindi siya ‘yung tipo na magdadalantao na wala pang kasal.

Basta para sa amin ay deserved na deserved ng dalawa ang alone time nila na ‘yon sa Japan, so tama lang na magpakaligaya sila hangga’t gusto nila.
So far ay wala pang Japan post si Matteo sa social media. Meron lang siyang IG Stories na very promo ng Nivea deodorant na ineendorso niya, na nakalitaw ang abs niya sa topless video na tila kuha sa isang hotel room.
Si Sarah, pagbalik ng ‘Pinas ay magiging busy na sa promo ng pelikulang ‘Miss Granny’ na sa August 22 ang showing sa mga sinehan.