Abante Tonite Interactive

Sarah-Matteo private moment sa ‘GGV’, hinarang?

By
2,529

Usap-usapan sa social media ‘yung guesting­ dapat ni Sa­rah Geronimo sa ‘Gandang Gabi Vice’ kasama si James Reid para mag-promote ng movie nila.

Dapat ay ngayong gabi raw ang ai­ring ng nasabing ‘GGV’ episode, pero hindi raw ito maipapalabas dahil may nasabi raw si Sarah sa interview ni Vice Ganda na ayaw ipa-air ng Mommy Divine ni Sarah.

Ayon sa ilang Popsters na nasa au­dience nu’ng ‘GGV’ taping, hindi natapos ang naturang episode dahil may nasabi raw si Sarah tungkol sa private moments nila ng boyfriend nito na si Matteo Guidicelli.

In fairness ay wala naman daw masama sa mga ni-reveal ni Sarah dahil normal things lang ang mga ‘yon na ginagawa ng magsyota.

Tinanong yata ni Vice kung nag-kiss na ba ang AshMatt at nagpaka-honest lang si Sarah, na hindi nagustuhan ng madir nito.

Actually, medyo may tensyon na raw bago pa ang revelations ni Sarah. Kaya ayun, nag-walkout umano si Mother sa taping!
Reaksyon ng mga dismayadong netizen, walang kupas pa rin ang pagiging controlling umano ni Mommy Divine.

At saka ang ipinagtataka nila, ganu’n daw ba kalakas ang mudra ni Sarah para ipatigil at huwag nang ipaere ang nasabing episode ng ‘GGV’?

Binayaran daw ba nito ‘yung cost ng production para sa taping ng episode na ‘yon?

Kasi, puwede naman daw ipa-cut ‘yung part na ayaw nito, pero maipapalabas pa rin ang episode. So, anya­reh?!

Hirit pa ng iritang mga netizen, ang tanda na ni Sarah, pero feeling ni mudrabels ay teenager pa rin ang anak nito. 30-an­yos na si Sarah at artista raw ito, hindi madre.

“Sarah needs to fire her mom!” pakli ng isang fan na imbiyerna at hindi niya mapapanood ang Sarah-James guesting na ‘yon sa ‘GGV’ (at sa halip ay ‘yung guesting ni Da­niel Padilla ang mapapanood).

Magiging Miss Granny raw talaga sa totoong buhay si Sarah dahil umano sa nanay niya.

PAK!
***

Vice mabenta ang kahalayan sa mga singer na malilinis ang nota

Ang saya ng 30th anniversary concert ni Ogie Alcasid na ‘OA’ sa Araneta Coliseum nu’ng Biyernes.

Benta ang mga kahalayan ng guest ni Ogie na si Vice Ganda, na super laugh ang audience­ sa jokes nito tungkol sa century eggs ni Rey Valera, champoy ni Ogie at singer na malilinis ang nota.

Pati si Michelle Van Eimeren na nasa audience ay nagamit din ni Vice sa punchline niya.

Nag-duet sina Ogie at Vice ng ‘Huwag Ka Lang Mawawala’ at ‘Kung Mawawala Ka’.

Aliw din ang biruan ng magdyowang Ogie at Regine Velasquez tungkol sa Katinko. Lagi raw kasing nagpapahid ng Katinko si Reg, so pagyakap dito ni Ogs ay ang hapdi sa mata.

“Hindi ako magka-Katinko mamaya! Humanda ka sa akin mamaya!” banat ni Songbird after nilang umawit mag-asawa ng inspirational song.
Ang tatlong anak ni Ogie na sina Leila, Sarah at Nate Alcasid ay naka-jamming niya sa ‘I Will Be Here’ at napigilang umiyak ng emotional na fadir.

Ang ganda ng number ni Ogs with Moira dela Torre and Yeng Constantino.

Nagpa-OJ sila ni Janno Gibbs na throwback kuwento tungkol sa friendship nila, habang si Michael V ay in character as Psy Young (as in Sayang) na pantapat sa Korean karakter ni Ogie na si Bansot Mee.

Nakakatawa rin si Rey Valera, na havey ang mga panlalait sa mga kauwa nito singers like Rico J. Puno, Nonoy Zuñiga, Marco Sison at Hajji Alejandro.

30 years after ay wala pa ring kupas ang mga awitin ng singer-songwriter na si Ogie, kahit pa biro niya ay puro senior citizen na ang kanyang audience.