Abante Tonite Interactive

Sarah, Matteo umaasang lalambot si Mommy Divine

1,811

Unang pag-ibig ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo si Rayver Cruz.

Sinasabing crush umano ni Sarah ang aktor bago naging sila.

Magkasama sila dati sa “ASAP”.

Doon umano nabuo ang lihim na pag-iibi­gan ng dalawa. Secret ang pag-iibigan nila dahil bantay sarado si Sarah ng kanyang pa­rents na sina Delfin at Divine Geronimo.

Dahil sa ­pagiging mahigpit ng magulang ni ­Sarah, naitago rin ng singer-actress sa ­kanyang pamilya ang kanyang ­relasyon kay Ravyer.

Nalaman lamang ito ng mga magulang ng Popstar nang ­magkahiwalay na sila. Kakaiba na umano ang ikinikilos ng kanilang anak. ­Madalas din nilang makitang ­umiiyak ito. Dahil rito, nabalisa sina Delfin at Divine at hindi nila maiwasang magalit kay Rayver.

Hindi nagtagal ang pag-iibigan ng dalawa dahil ang pakiramdam ni Sarah noon ay na-double cross umano siya ng actor. Habang sila pa ay niligawan naman umano ni ­Rayver si Cristine Reyes na kasamahan din ni Sarah sa bakuran ng Viva Artists Agency (VAA).

Sa unang pagkakataon ay nadurog ang puso ni Sarah Hindi nito ikinakaila na sobra umano siyang nasaktan .Iniyakan niya umano ang ginawang ‘panloloko’ sa kanya ng singer-dancer-actor.

Dahil rito, lalong naging over-protective ang mag-asawang Delfin at Divine. Wala halos ibang guys na makalapit sa kanilang anak.

Sa huling panayam kay ­Rayver: “‘Pag nagkita kami ni Sarah, ok ­naman kami. Ang tagal na nu’n, ang babata pa namin,” deklara niya na maligaya ngayon sa pi­ling ni Janine Gutierrez.

Bukod sa “ASAP” ay nagkasama rin sina Sarah at Rayver sa pelikulang “You Changed My Life” nu’ng 2009 na idinirek ni Cathy Garcia-Molina. Biniro pa nga noon ni direk Cathy si Sarah ng ganito, “Dati crush mo lang siya nga­yon ay kaeksena mo na.”

Pangalawang Pag-ibig: Lumuha kay Gerald

Hanggang dumating sa ­buhay ni Sarah si Gerald ­Anderson. Although hindi nila ­inamin publicly ang kanilang naging ­relasyon, si Gerald ang naging very vocal. Dumaan din umano si Gerald sa scrutiny ng magulang ni Sarah.

Todo bantay si Mommy Divine na kalaunan ay hindi nagtuluy-tuloy ang relasyon ng dalawa. Nauwi rin ito sa hiwalayan. Sa ikawalang pagkakataon ay muli na namang nasaktan ang puso ni Sarah.

Chapter 3: Pinaglaban ni Matteo

May ibang celelebrity guys na gusto pumorma noon kay Sarah pero natatakot sila sa kanyang parents.

Pero si Matteo Guidicelli lamang ang nagkaroon ng lakas na loob na ligawan si Sarah sa kabila ng ­pagiging istrikto ng magulang nito. Tahasan ang pag-ayaw sa kanya ng mga ito.

Sa paglipas ng mga taon, naging okey na si Sarah sa dalawa niyang ex na sina Rayver at Gerald. Nagkakabatian sila kapag sila’y nagkikita.

Natutuwa pareho sina Rayver at Gerald para kay Sarah at Matteo na mag-asawa na ngayon.

Samantala, ang ina ni Sarah na si Divine ang lumalabas na kontrabida ngayon sa pagitan ng relasyon ng bagong kasal.

Sa halip daw kasi na maging supportive at maging masaya ito para kina Sarah at Matteo ay ito pa umano ang humahadlang sa sariling kaligayahan ng anak.
Matagal na rin namang nagsakripisyo si Sarah para sa kanyang pamilya.

Bilang Mrs. Guidicelli, may hold na ngayon si Matteo sa kanyang misis. Pero hindi nito gagawin ang isang bagay na lalong ikakasira ng rela­syon ni Sarah sa kanyang pamilya. ­Gumagawa siya ng paraan na maayos ang problema sa pamilya ni Sarah.

Umaasa rin ang mga supporter ng dalawa na sana’y dumating ang panahon na lalambot din ang puso ng parents ni Sarah lalong-lalo na si Divine.

In fairness sa parents ni ­Matteo, kahit kailan ay hindi nakialam ang mga ito sa usaping pag-ibig ng kanilang anak. Naniniwala sila na kaya na nitong magdesisyon para sa kanyang sarili at para sa kanilang dalawa ni Sarah.
Buong puso rin nilang tinanggap si Sarah bilang kabahagi ng kanilang pamilya.