Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah, Matteo umupa ng bahay

0 274

Eversince ay kilala natin si Sarah Geronimo na hindi talaga masalita lalo na sa kanyang personal life. Kaya naman sobrang na-appreciate namin, pati na ng kanyang mga fan ang pagsasalita niya sa vlog ni Dra. Vicki Belo habang nagbe-bake sila ng banana cake.

Marahil, dahil nga si Dra. Belo ang nagtatanong na super-friend niya, mas kumportable magsalita si Sarah G. Like na-open-up niya ultimo ang nirerentahan nilang bahay ngayon ng mister na si Matteo Guidicelli.

Ayon kay Sarah ay October daw sila nagsimulang bumukod ni Matteo. Asked kung bakit sila nag-decide na mag-bahay (ng sarili), sagot ni Popstar, “mas ano Dok, eh, mas mentally healthy for us, may outdoor talaga, may garden.”

Asked kung nagre-rent lang sila, sagot naman ni Sarah, “rent lang po, and cheaper po ‘yung rent namin, so mas magaan.”

Tsika naman ni Dra. Vicki, sobrang newlywed daw talaga ang dating ng AshMatt dahil matipid daw ang mga ito at kapag nagsa-shopping, lahat daw ng presyo ay tinitingnan. Sey pa ni Belo, hindi raw Superstar kung gumastos si Sarah.

“Tapos when I talk to Matteo, lagi niyang ikinukuwento, ‘Dream namin magkaroon ng bahay, kailangan namin mag-save,’” tsika pa ni Dra. Vicki.

“Opo,” sagot naman ni Sarah.

“That’s good. I think, maganda ‘yun kasi it brings you closer together if you have a dream and then, you work towards it,” pagpapayo naman ng celebrity doctor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.