Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah may hirit sa mga nega

0 101

May mensahe si Sarah Geronimo sa nakaraang online concert nila ni Matteo Guidicelli. Patungkol ito sa mga basher, nega at walang paki na makasakit ng damdamin ng iba.

Ayon sa aktres, walang dahilan para magmalaki sa panahong ito.

“ It’s very important that we remain humble and forgiving sa isa’t isa, helpful sa isa’t isa.Ano ang makukuha natin pag binash pa natin ang isa’t isa? Inaway pa natin ang isa’t isa,” bulalas niya.

Dapat daw ay magtulungan ang isa’t isa lalo na kung anong meron tayo.

Wish din ni Sarah na bumalik na sa normal ang buong mundo. ‘Yung maging okay na ang lahat.

Talbog!

Billy tatalon sa TV5

Napabalita nu’ng una na may tumutulay kay Billy Crawford na mag-ober da bakod sa GMA 7. Mariing itinanggi ito ng singer-actor.

Matunog naman ang chism ngayon na may show siyang gagawin sa TV5. Hindi pa rin kumpirmado dahil nasa gitna pa raw ng negosasyon.

Kung si Luis Manzano ay may tsikang tatalon sa TV5 para sa isang noontime show, posible kayang magsama sila?

Matatandaang may tandem din ang dalawa sa ilang shows ng ABS-CBN dati.
Ayon sa nasagap ng PEP, game show raw ang gagawin ni Billy na magsisimula sa Oktubre.
Pak!

Lyca rumesbak na pinabayaan ang lola

Pumiyok ang The Voice Kids’ grand winner na si Lyca Gairanod sa mga paratang na pinabayaan niya umano ang kanyang lola.

Sa kanyang vlog pinasilip niya ang bahay nila sa Tanza,Cavite para bisitahin ang kanyang lola na edad 86.

“Kahit ano’ng pilit ko kay Lola, kahit ano’ng sabi ko na ‘La, doon ka na sa bahay’ kasi baka hindi siya safe dito ganoon nga, guys ayaw po niya talaga. Kung saan po siya kumportable doon po talaga siya,” deklara niya.

Sinuportahan na lang daw nila ang desisyon ng lola niya. Mahirap naman daw na pilitin ito.

“Gusto niya po talaga dito dahil sobrang lapit na ng loob niya dito sa lugar na ito.” pahayag ni Lyca.

“Marami ang nagre-request, marami akong nakikita sa mga comment. Ipapagawa ko na po ang bahay ni Lola. Pero matagal ko na po talaga gusto ipagawa ang bahay ni lola,” aniya pa.

Napaka-simple raw ng lola niya. Kung ano lang ‘yung binigay sa kanya, ‘yun lang ang tinatanggap niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.