Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah mukhang buntis na

0 153

Labis na pinakilig na naman nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang AshMatt fans sa bago nilang watch commercial together.

Thirty-one seconds lang ang video pero puro shots naman ng AshMatt na magkasama ang mapapanood at ang daming sweet moments kaya naman busog na busog ang fans.

Makikita rin sa commercial na naka-formal wear ang mag-asawa at bagay na bagay kay Sarah ang kanyang simple but elegant na black gown. Same with Matt na ang gwapo-gwapo sa kanyang suit.

Mas lalo pang kinilig ang mga fan sa caption ni Matteo nang ipost niya sa Instagram ang video.

“Ladies & Gents, I’d like to share with you how proud I am of this lady, my wife. The journey was never easy, and that’s exactly what makes us who we are today.

“You’ve evolved, you’re empowered. And our lives are forever changed.

“Love, we’ve overcome boundaries,” ang caption ni Matteo at ito ring mga salitang ito ang maririnig mula kay Matteo sa kanilang commercial.

Hindi lang ang mga fan ang kinilig kundi pati mga kapwa nila celebrities tulad ni Iza Calzado na nag-react ng tatlong heart emojis. Komento naman ni Judy Ann Santos, “galing” with matching clapping hands sign emoji.

Ang iba namang fans ay nagkomento na naiyak sila sa sobrang ganda ng commercial at sa labis na kilig.

“I can’t breath. Kinikilig ako sa inyo Jusko,” komento pa ng isa.

Pero may mga netizen din na nagkomentong na mukhang preggy na raw si Sarah.

“She looks like she is expecting. She has a different glow and also have reasonably gained weight,” komento ng isang netizen.

“Feeling ko may little ashmatt na, my ashmatt heart,” saad naman ng isang AshMatt fan.

“Why do I feel like I’m the only one who thinks that the pregnancy announcement is coming really soon,” sey naman ng isa pang netizen.

Parang buntis na si sarah ganda nya grabe!” reaksyon ng isa pa.

Marian, Anne kinilig sa Bea, Hyun Bin

Hindi lang ang AshMatt ang may pasabog na bagong commercial kungdi maging si Bea Alonzo rin. Ipinost niya rin sa kanyang IG ang bagong shopping app TVC na kasama si Hyun Bin.

Sa naturang TVC ay walang scene na magkasama together sina Bea at Hyun Bin. Magkahiwalay ang kanilang mga eksena pero sapat na ito para matuwa at kiligin si Bea.

“New TVC .I am so kilig to be in one frame with Captain Ri!” caption ni Bea.

Ang Captain Ri ay ang pangalan ng karakter ni Hyun Bin sa Crash Landing On You.

Dumagsa ang komento hindi lang ng mga netizen kundi ang mga kapwa niya celebrities na mahilig sa K-drama.Bet na bet din nila si Hyun Bin.

Reaksyon ni Marian Rivera na fave din ang Korean actor, “awww” with heart emoji.

Nagkomento rin ang isa pang K-drama fanatic na si Anne Curtis. Aniya, “gusto ko ung emote Na emote sa “are you ready” miss you!!!!” at may heart emojis din.

Comment naman ni Gretchen Ho, “so lucky naman with Hyun Bin.”

Pero siyempre, hindi patatalbog ang boyfriend niyang si Dominic Roque na nagkomento ng “Ganda yarnnnn.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.