Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah nagising sa talak ni Angel

0 1,549

Matagal hinintay ng mga Kapamilya ang pagsasalita ng isa sa big star ng ABS-CBN tungkol sa ‘pagpatay’ sa kanilang franchise renewal ng mga kongresista.

Mukhang nagising si Sarah Geronimo sa talak ni Angel Locsin sa mga artista ng Dos na hindi nagsasalita.

Sa Instagram post ng Pop Royalty, binalikan nito ang kanyang karera sa ABS-CBN, na sinabing malaki ang utang na loob niya sa network matapos siyang ituring na ‘sariling anak’ ng management.

“Malaking bahagi po ng aking karera ang ABS-CBN. Maliban po sa pamilya ko at sa aking manager na si Boss Vic, ang ABS-CBN po ay ang network na ilang beses na sumugal at sumporta sa akin bilang artista at performer,” saad ni Sarah G.

Related Posts

Bumilib din aniya si Sarah kung paano pinaglaban ng mga bossing ng Kapamilya network ang kanilang istasyon sa disente at mapagkumbabang paraan sa harap ng mga mambabatas.

Aniya pa, bagama’t tapos na ang usapin sa franchise renewal ay patuloy pa rin ang kanyang pagsamo, apila at pakiusap na muling mabalik ang kanilang ‘ABS-CBN family’.

“Naniniwala po ako na walang pagsubok na ‘di natin kayang malagpasan basta’t tayo’y nagkakaisa sa panalangin at pagsisikap, sama-samang nagpapapkita ng tunay na malasakit at pagmamahal para sa ating bansa, para sa ating kapwa,” sey pa ng multimedia artist.

Pinaabot din ni Sarah ang kanyang pagdadalmhati para sa mga nasibak na empleyado sa ABS-CBN, na sana’y magkaroon muli sila ng trabaho para sa kani-kanilang pamilya.

Hinimok din ni Sarah ang pagkakaisa para magtulungan sa panahon ng COVID-19.(RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.