Abante Tonite Interactive

Sarah nagpaseksi para sa kasal

By
4,525

Kapapanganak pa lang ni Sarah Lahbati nu’ng March 21, pero ‘di aakalaing pangalawang baby na nila ‘yun ni Richard Gutierrez. Una si Zion, 5.

Last weekend nag-post si Sarah ng napakaseksi niyang photo wea­ring skimpy swimsuit sa social media account ng Gutzfam with caption “Rise and shine, it’s the weekend!!! Ang daming nag-like sa picture. Hudyat kaya ito sa nalalapit nang kasal ni Sarah at Richard, kaya mini-maintain ng una ang ganda ng katawan?

Sabi ni Sarah sa isang interbyu before siyang manganak sa second baby nila ni Chard, postponed muna ang kasal. Focus daw muna sila sa baby at saka ayaw niyang mataba kapag ikakasal.

Abante Hiring – IT dep

Description ni Sarah sa kanyang second baby Kai nila ni Richard ay kamukhang-kamukha daw ni Zion nu’ng ipanganak, pero habang nagtatagal ay nagiging kamukha raw ni Richard.

Dahil summer at sobrang mainit, ang pamilya Gutierrez (Sarah, Chard, Zion at Baby Kai) ay nahihilig mag-travel sa iba’t ibang beaches. Si Chard ay aliw na aliw naman sa pagkuha ng larawan ng maganda niyang misis na hindi halatang may dalawa nang baby na lumabas sa kanyang tummy.

Samantala, iritable si Sarah sa mga komentong nababasa nu’ng i-post niya ang photo ni Baby Kai kung saan napapalibutan ng unan ang baby. Ang daming netizens ang nag-react.

Ayon sa isang follower niya mula sa UK hindi advisable na mag-sleep ang baby na mag-cover sa ulo dahil ‘di nakalalabas ‘yung init ng katawan na pwedeng ika-over heat ng baby. Sagot ni Sarah: “Dito sa Pilipinas advice ng doctor niya to cover his head the first few weeks.”

Ang iba naman ay ‘di raw rekomendado na palibutan ng stuffed toys o unan ang baby baka maging dahilan pa raw ng SIDS (Sudden Infant Death Syndrome).

Hindi na nagustuhan ni Sarah ang mga reaction kaya may sarkastiko nitong sagot: “This photo was taken in our living room where he hangs out once in awhile for a bit. He obviously doesn’t sleep with that much amount of pillow around him. my God people. Raise your own kids & mind your own business. #iloveswaddles !!! #maymasabilang”. (Beth Gelena)