Abante Tonite Interactive

Sarah nakakahumaling ang kariktan

0 2,185

May dahilan kung bakit isa sa kinaiinggitang celebrity actor nga­yon sa showbiz ay si Richard Gutierrez. Hindi lang dahil sa kanyang longevity bilang prime leading man at kaguwapuhan kundi dahil na rin kay Sarah Lahbati.

Napakasuwerte ni Richard dahil napanatili ng kanyang dyowa ang kaseksihan.

Sa kanyang Instagram post na sexy photo, parang walang anumang pinanggalingang pagbubuntis si Sarah. Walang marka na dalawang beses na itong nagsilang ng sanggol. Walang makikitang bilbil o malaking puson na naiiwan sa maraming babae matapos manganak.

Magsilbing inspirasyon si Sarah sa mga misis na hindi dapat pinababayaan ang kanilang sarili pagkaluwal ng sanggol. Gayahin nila itong huwag malosyang.

Nakakahumaling ang alindog, kariktan at kaseksihan ni Sarah. Parang may gayuma, huh. (Rey Pumaloy)