Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah nangampanya sa PSA

0 619

Bagong mukha ng Philippine Statistics Authority (PSA) si Sarah Geronomo. Inilunsad na ang kanyang 60-second infomercial para sa kampanya ng nasabing ahensya.

Humarap sa virtual presscon sina Minette Esquivias (Officer-In-Charge, Censuses and Technical Coordination Office), Florante Varona (Officer-In-Charge, National Censuses Service) at Joseph Cajita (Chief Statistical Specialist, Population and Housing Statistics).

Nagkatawanan nang tanungin namin kung nag-request na ba si Sarah ng marriage certificate niya sa PSA para mapatunayan at lumutang na Mrs. Guidicelli na siya.

“Malapit na,” pakli sa amin.

Anyway, si Sarah ang unang big star na endorser ng PSA. Wala na raw silang pinagpilian at tinarget kundi ang Pop Royalty.

“Sarah Geronimo is present in all forms of social media. ‘Yung reach niya malawak,” pahayag ni Minette

Joseph Cajita, Chief Statistical Specialist ng PSA, “As much as possible gusto namin mas malawak ang marating ng aming campaign para mabilis sa gagawing census. Siya ang bagay sa ganoong estado na makapagbibigay ng mas malawak na campaign para sa proyektong ito.”

“ Napili namin sa infomercial si Sarah kasi alam naming na sa lahat ng klase ng estado ay kilala siya. As much as possible gusto namin mas malawak ang marating ng aming campaign para mabilis sa gagawing census. Siya ang bagay sa ganoong estado na makapagbibigay ng mas malawak na campaign para sa proyektong ito,” dagdag naman ni Sir Joseph.

“Naisip ho namin na okey ito bilang panibagong strategy na pwede silang i-engage. At nagpapasalamat kami na nakuha naming si Sarah, hindi siya masyadong heavy at hindi kami pinahirapan,” aniya pa.

Ang 2020 Census of Population and Housing (CPH) na magsisimula sa Setyembre.

Kakasal lang daw ni Sarah nang kunin siya ng PSA. Bet din sana nilang kunin si

Matteo Guidicelli pero kukulangin na sila sa budget.

Nakapag-shoot naman ang Popstar ng informercial campaign bago nag-lockdown.

Ang ni-request lang daw ng management ni Sarah ay video kung paano na-disenfect ang location gawin ang shoot.

Bukod sa 60-second infomercial ni Sarah, inilunsad din ang Dance at Music Video na kinunan sa Legazpi City (para sa Luzon), Cebu City (para sa Visayas), at Davao City (para sa Mindanao) ng CPH na nagpapaalala sa lahat na ang paparating na 2020 Census of Population and Housing ay gagawin sa buong bansa. Si Flor Varona ang sumulat ng jingle samantalang ang lahat ng band members ay galing sa iba’t ibang branch ng Philippine Statistics Authority. Ang mga dancer naman ay galing sa Central office (NCR) pati na rin sa iba’t ibang Regional Field Office.

Inilunsad din sa nasabing press conference ang Census Population and Housing (CPH) Dance Video at Music Video na kinunan sa Legazpi City (para sa Luzon), Cebu City (para sa Visayas) at Davao City (para sa Mindanao), upang ipaalala sa lahat na ang paparating na 2020 Census of Population and Housing ay gagawin sa buong bansa. Si Ms. Flor Varona ang sumulat ng jingle na ito. Samantala, ang lahat ng band members ay galing sa iba’t ibang branch ng Philippine Statistics Authority. Ang mga dancer naman ay galing sa Central office (NCR) pati na rin sa iba’t-ibang Regional Field Office.

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay binigyan ng mandate o utos ng pamahalaan sa pamamagitan ng Executive Order No. 352 at Republic Act 10625 na sisimulan na sa Seytembre ngayong taon. Ang lahat ng mga sambahayan at mga institusyon ay mapapasailalim sa isang masusing pagkalap ng datos sa kanilang bilang at iba’t-iba pang impormasyon sa pamamagitan ng 2020 Census of Population and Housing o CPH.

Ang buong proseso nito ay ang pagpunta ng mga kawani ng CPH sa mga bahay at komunidad. Ang mga datos na kukunin ay sex, edad, marital status, edukasyon, relihiyon, ethnicity, disability, trabaho at mga datos ng pagkasilang at pagkamatay na kasama sa sambahayan.

Layunin nitong proyektong 2020 CPH na maghatid ng mga kasalukuyang datos na makakatulong sa gobyerno na makapagbuo ng mas kapakipakinabang na mga polisiya , mga plano at proyekto. Ito rin ay maghahatid ng mahahalagang impormasyon para sa mga negosyo, iba’t-ibang industriya at non-profit organization pati na rin ang mga research at academic institutions. Ito ay magsisimula nang maipatupad sa buong bansa simula ngayong Setyembre 1, 2020. Ito ay magmamarka sa ika-15 Census ng Population at ika-7 ng Census of Housing.

Nais ipaalam ng PSA sa publiko na ang mga makakalap na impormasyon sa 2020 CPH ay pananatilihing confidential, bilang pagsunod sa Section 26 o Republic Act No. 10625 at Section 8 of Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2012. Walang datos ang ilalabas na may mapapangalanang indibidwal o pamilya. Ang pagresponde o pagbahagi sa proyektong ito ng CPH ay mandatory o mahigpit na ipapatupad ng gobyerno na nakasaad sa Section 25 of RA 10625 o Philippine Statistical Act. Samakatwid, ang pagsagot sa bawat tanong sa census ay obligasyon ng bawat mamamayan.

Mahigit 100,000 enumerator at Census supervisor ang mag-iikot sa lahat ng sambahayan para magkalap ng impormasyon sa buong bansa. Ang interview sa bawat sambahayan ay magtatagal lamang ng 15 hanggang 30 minuto.

Nagsimula na ang paghahanda para sa Setyembre. Isa na dito ang pag-train sa mahigit kumulang na 100,000 enumerator na susunod sa mga polisiyang ipinapatupad kasalukuyan patungkol sa pandemya tulad ng pagsuot ng mask, physical distancing, at iba pa.

Pinapaalala ng gobyerno sa lahat ng mamamayan na upang maging makabuluhan ang prokeytong ito, kinakailangang waging wasto at tama ang mga impormasyong ibibigay dito sa 2020 Census of Population at Housing. Makakatulong ito sa pagsulong ng bansa.

Kaya… “Sama Na, Census Na!”

Mark todo tanggol kay Geronimo

Nag-tweet si Mark Bautista at ipinagtanggol ang kaibigan niyang si Sarah Geronimo.Naiintindihan daw niya ito kung huli na ito nagsalita sa ‘pagkamatay’ ng ABS-CBN 2.

“SG has always been very private and not even confrontational so I would understand her-To each his own.”

Reply ng mga netizen: “@wherehaveyouVIN, “Mark Bautista – A real friend.

Tama naman siya, kasi kung talagang kilala mo ang isang tao maiintindihan mo siya. Di tulad ng iba na puro kuda against SG without knowing her real personality.”

@rayer_john, “Thanks for this Mark. Alam ng lahat how pure she is. Simula’t sapul never sya nagsalita kahit sa anong isyu, even sa wedding isyu nga wala eh. Dyan pa kaya sa gulo na yan.”

Tsuk!

Leave A Reply

Your email address will not be published.