Abante Tonite Interactive

Sarah napa-OMG kina Ruffa, Yilmaz

811

Umani ng samu’t saring reaksyon ang naging sagot ni Ruffa Gutierrez sa isang netizen na nagtanong sa kanya sa social media account nito.

Tinanong kasi ang beauty queen-actress ng isang netizen kung posible pa silang magkabalikan ng ex-husband at Turkish businessman na si Yilmas Bektas.

“Wala na po bang pag-asa nag mag-kabalikan kayo? Hindi niyo na po ba siya mahal? Fan na fan pa naman po ako ng love team ninyong dalawa,” hirit ng netizen.

Sagot naman umano ni Ruffa: “habang may buhay…May pag-asa.”

Dahil sa kanyang nakaka-intrigang sagot, napa-OMG pati si Sarah Lahbati na love partner ng kanyang kapatid na si Richard Gutierrez.

Dumagsa rin ang nagkomentong mahal pa raw marahil ni Ruffa ang ama ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice kaya asa pa itong magkakabalikan sila ng estranged partner.

Kinontra naman ito ng ilang kibit-zers dahil napabalita na noong muling nag-asawa si Yilmaz. Napabalita ring binubugbog noon si Ruffa.

Katunayan, nakatanggap pa nga raw ito ng imbitasyon sa ex noong nakaraang taon na iniyakan pa nito.

Giit naman ng isang netizen, wala raw namang imposible sa panahon ngayon dahil kung ang dalawang tao ay meant for each other ay puwede silang mag-remarry. (Archie Liao)