Abante Tonite Interactive

Sarah ng ‘That’s Entertainment’ aktibo sa pagkanta

301

Ni: Rommel Placente

Ang dating member ng sikat na youth-oriented show nu’ng 80’s na That’s Entertainment na si Sarah Javier ang naging special guest namin nina Rodel Fernando at Mildred Bacud sa online show na Showbiz Pamore Tonite. 1994 nu’ng nag-join siya sa That’s Entertainment. Ka-batch niya sina Judy Ann Santos at Rufa Mae Quinto.

Ikinuwento ni Sarah kung paano siya napasok sa That’s Entertainment.

“Nag-auditon po ako, sumayaw, tapos kumanta rin. And then, tinawagan na po ako para sabihing magiging member na ako ng That’s Entertainment, ”sabi ni Sarah.

Ano ang nami-miss niya sa That’s Entertainment?

“Siguro po yung mga rehearsals namin, ‘yung mga ginagawa naming production number. Kasi po, tuwing Saturday edition ng That’s Entertainment, lahat po ng grupo, from Monday hanggang Friday, may competition. Pagandahan po ng production number. Talagang pinag-iisipan po naming mga members at nung mga choreographers namin, kung ano ‘yung magandang production number. At saka po yung bonding namin, sobrang nami-miss ko yun,”pagbabalik-tanaw ni Sarah.

Si Sarah ay hindi lang artista noon kundi isa rin siyang singer. Sa pagbabalik-showbiz niya ay muli rin niyang binalikan ang kanyang pagkanta. Ni-revive niya ang sumikat na kanta ni Ariel Rivera noon na “Sana Nagayong Pasko”.

Sobrang emotional si Sarah kapag kinakanta niya ang ‘Sana Ngayong Pasko’. May lyrics kasi rito na: “At kahit wala ka na, umaasa pa rin ako, muling makita ka at makasama ka sa araw ng Pasko.”

Dalawang mahal sa buhay niya kasi ang hindi niya na nakakasama kapag sumapit ang araw ng Pasko, ang kanyang kuya at daddy. Sumakabilang-buhay na kasi ang mga ito.

“Very close sila sa akin, eh, Magkasunod silang namatay. Sobrang nami-miss ko sila. Sila talaga ‘yung inspiration ko,” lahad pa niya.

Seventeen years old si Sarah nu’ng pasukin ang recording scene. Ang single n’ya noon na ‘Panghabangbuhay’ ay ni-revive niya rin.

“Ni-remastered po ‘yun ni Luis Manuel Roberto. You can download it din po sa Spotify at iTunes,” sey pa niya.