Abante Tonite Interactive

Sarah no comment sa Japan trip kay Matteo

By
1,023
tonite-imo-vinia-vivarIdinaan na lang sa tawa ni Sarah Geronimo nang matanong siya sa press junket ng Miss Granny kung kumusta naman ang birthday cele­bration niya sa Japan kasama ang boyfriend na si Matteo Guidicelli.
“Huwag na lang po nating i-discuss ‘yun,” sambit ni Sarah saka bumu­ngisngis.
Then, she said, “hindi, may napanood akong interview ni Erich (Gonzales) kay Tito Boy (Abunda). Sabi niya, “Tito Boy, pagka pala nagkakaedad ka, gusto mo, tahimik na lang ang buhay mo.” So ‘yun. ‘Yun lang ang sinabi niya.
“So uulitin ko lang din po. Tahimik na lang din tayo,” naka-smile na sabi ni Sarah.
The Popstar Royalty has just turned 30 just recently at wala naman daw siyang ibang birthday wish pa kundi ang magkaroon pa ng wisdom, strength at tamang desisyon sa buhay.
“Of course, as much as possible, gusto natin we always make the right choices. Gusto natin mapabuti tayo lagi. Pero in reality, para maging malakas ka, may mga pagdadaanan ka sa buhay.
“So, gusto ko lang, at the end of the day, kayanin ko at matuto ako. ‘Yun lang,” sey ni Sarah.
Samantala, aminado si Sarah na na-challenge siya sa papel ng 20-anyos na si Fely dahil maging ang retro na ayos ng buhok at pananamit, inakma sa kabataan ng kanyang karakter.
Ganunpaman, sinabi rin ni Sarah na sobrang nag-enjoy sila sa paggawa ng “Miss Granny,” lalo pa nga at kauna-unahan niya itong pelikula sa ilalim ni Direk Joyce Bernal.
Showing na ang Miss Granny sa August 22 at kasama rin dito ni Sarah sina James Reid and Xian Lim.

JaDine willing makatrabaho ulit ni Direk Antoinette

Kuwento ni Direk Antoinette Jadaone, si Charo Santos-Concio mismo ang nagprisinta na siya na ang gumanap na ina ni Piolo Pascual sa seryeng Since I Found You.
Nang i-pitch daw kasi kay Charo ang show, nagustuhan daw nito ang tatakbuhin ng kuwento ng nanay ni Nathan (Piolo).
“Tapos, parang tinanong niya kung meron nang na-cast for that. Tapos, wala pa. Sabi niya, “ba’t hindi ako?” Pero joking. Pero ‘yun. Kasi, pwede, eh. Bagay ‘yung role sa kanya. Tapos, pumayag siya,” kuwento ni Direk Tonette.
Anong naging reaksyon niya nang sinabi ni Charo na “ba’t hindi ako?”
“Actually, pwede talaga siya. Pero hindi namin ine-expect na magugustuhan niya ‘yung role. Parang suntok sa buwan. So, nagulat kami. As in, “wow! Talaga?’ So kinol na namin. Baka magbago isip, eh,” natatawa pang sey ni direk.
Kumusta namang idirek ang isang Charo Santos?
“Very overwhelming. Parang akala mo, ano siya, Superstar pagda­ting sa set. Pero actually, very down to earth na tao, na artista. Parang kami ‘yung akala namin, sobrang ano siya.
“Pero actually, pag andu’n siya, “ay, ba’t n’yo ko ginaganito?” Siya ‘yung nagsasabi na parang “huwag n’yo ‘ko i-treat na Superstar kasi nandito ako para umarte as nanay ni Nathan. Hindi ako as Presidente ng kung anong company.”
Natanong din namin si Direk Tonette kung willing pa ba siyang idirek ang JaDine loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre na nakaalitan niya kamakailan habang ginagawa nila ang Ne­ver Not Love You though naayos na naman nila ang gusot agad.
Ayon sa box-office director ay willing na willing pa siyang makatrabaho ang JaDine pero siyempre, depende sa kuwento at dapat ay bagay sa kanila ang material.
“If the story is right, pwede,” she said.