Abante Tonite Interactive

Sarah paninindigan ni Matteo sa pagbubuntis

651

Enjoy pa raw si ­Matteo Guidicelli sa kanyang pagi­ging single. Hindi pa niya tiyakang masabi kung kailan talaga sila lalagay sa tahimik ng kanyang dyowang si Sarah Geronimo.

“Being single is like trying to achieve your goals and building yourself to be a better version of yourself. When singles become a couple, it’s stepping up with life and being one with your partner. It’s like upgrading yourself and moving forward to your dream and to your goal,” deklara niya.

Kahit daw naman magbago ang civil status, hindi pa rin daw dapat na tumigil siyang mangarap.

“Alam n’yo maraming dreams, pero dreams won’t stop you even if you’re married. It should continue and never stop,” sey niya.

Tungkol naman sa isyu ng premarital sex at unexpected pregnancy, ito ang kanyang ibinahagi.

“When I was in college, before in America, abortions are legal there. A lot of my friends are going to the clinic and I experienced friends going to clinics because they’re pregnant and told (me) from their minds and they’re crying because they had abortion. For me it was a red flag that’s disturbing,” paliwanag niya.

Namulat din daw ang kanyang perspektibo sa pagmamahal sa buhay nang ipanganak ang kanyang kapatid na lalake, kaya nanatili siyang pro-life.

“Everything changed when I have a 10 year old brother, I looked at things differently.

It’s a human being. A baby is a blessing. It’s not even a mistake. It’s a blessing it’s a gift in life, kumbaga, and you have to cherish that, and again, it’s a choice, everybody’s free to do what they want,” aniya.

Kumbaga, kung sakaling mabuntis ang kanyang girlfriend na si Sarah at hindi pa sila kasal, buong ningning daw niya itong pananagutan.