Abante Tonite Interactive

Sarah pinagulong ni Mommy Divine

3,047

Ikinuwento ng relationship counselor nina Sarah ­Geronimo at Matteo Guidicelli ang nangyari nang ­dumating si Mommy Divine sa ­lihim na kasal ng ­kanyang anak sa Taguig.

Ayon kay Letty Fuentes sa panayam sa TV Patrol, nang makita niya si Sarah ay masaya ito nang sabihin sa kanya na ikakasal sila ni Matteo nang araw na iyon, Pebrero 20.

Present din umano sa kasal ang pamilya ni Matteo at ilang kasama sa simbahan. Pero nagkaroon ng komosyon nang dumating si Mommy Divine na nagsisisigaw at gustong sampalin si Matteo.

Ipinakita ni Fuentes ang kanyang pasa nang matumba sila ni Sarah at gumulong pa matapos awatin ang nagwawalang si Mommy Divine.

“Gusto niyang sampalin si Matteo e. She was ready for a fight. Sabi ng mama niya, ‘traydor kayo!’ Sigaw-sigaw lakas talaga. Meron pa yatang nagmura or something,” sabi ni Fuentes.

Nilinaw din nitong walang sinuntok na sinuman si Matteo taliwas sa akusasyon ng bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara.

Kuwento pa niya, noon pa niya kinakausap si Mommy Divine tungkol sa pagpapakasal ng dalawa at sinabi raw sa kanya na hindi ito tatanggapin.

Sa kabila nito, nasaksihan daw niya ang saya kina Matteo at Sarah nang maikasal.

“Matteo was crying. Matteo really loves her, so much. Sarah was so happy. Parang nakawala. I have never seen her so confident that day,” bahagi ng rebelasyon ni Fuentes.

Nagbibiruan pa raw ang dalawa ng, “Akin ka na.” (Issa Santiago)