Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah pinalambot ulit si Mommy Divine

0 664

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi nakalimutan ni Sarah Geronimo ang kanyang pamilya sa bandang dulo ng AshMatt concert.

Naiyak ang Popstar Royalty nang magbigay siya ng mensahe sa mga taong mahalaga sa kanya.

“Our families, we love you. To my daddy, my mama, Ate Cheng, Ate Shine, Gab at sa lahat ng aking my dogs, I love you all so, so, so, so much,” lahad niya.

Halatang nami-miss na rin ni Sarah ang pamilya niya at palaging nasa puso niya. Pinalalambot pa rin niya ang mga magulang niya para maging maayos na ang lahat.

Samantala, masuwerte si Sarah dahil todo alaga siya ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli.

Naa-appreciate lahat ng singer-actress ang pagsisilbi sa kanya ng asawa. Marami raw siyang natutunan.

Kahit ‘yung mga simpleng bagay na ina-assist siya sa work from home. Si Matt ang nag-aasikaso ng ilaw niya, camera.Grabe raw ang effort ng asawa niya.

“Alam n’yo po, spoiled ako dito kay Matt. ‘Yung babae, ang role is siya yung nagluluto all the time, siya yung nag-aasikaso sa asawa. Pero baligtad sa amin. Siya yung ganu’n sa maasikaso, ipagluluto ka,” deklara ng Pop Royalty.

Sey naman ni Matteo blessed siya na naging esmi si Sarah at hindi raw totoo ‘yung hindi siya inaasikaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.